Diaper recommendation

First time mom lang po ako. Mag 2months na po ang baby ko at medyo mabigat na sa bulsa ang diaper. Medyo tight na po kasi ang budget. Naghahanap po ako ng diaper na swak sa budget pero quality pa rin ang product. Sana matulungan nyo ko mga mommies😊thanks in advance!

28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Cloth diapers. But sa case ko hindi ko ito natuloy dahil nag worry ni hubby since ako lang nag aalaga kay baby at need ko ng pahinga kaya mag disposable na lang daw ako. I looked for cheap brands na ok ang quality. Check mo din ito, but make sure yung clothlike po ang buy niyo at hindi yung plastic kasi mainit po yun. Then pili muna kayo nung mga kaunti lang muna para malaman kung hiyang si baby :) Lampein Playful Nesto'Baba Then abang po kayo sa sale ng Lazada kasi malaki ang tipid pag may vouchers. :)

Magbasa pa

3 months baby ko nong nagpalit na ako ng diaper nya from unilove or EQ nag ICHI at AIKERRSU ako. So far never pa nagkarashes ang LO ko simula nagpalit ako mi. Antay ka lang ng sale sa mga online shop mi madalas ung 500 pesos ko may 90 pcs or more na akong diaper mahigit 1 month na nya magagamit un mi kaya may panahon ka pa para makapag ipon ulit ng pambili mi😊

Magbasa pa

Ginagawa ko po kasi mhie nag aabang ako ng deals sa lazada ang laki kasi ng less nakuha ko yung rascal and friends for 6.5 each pesos nalang meron din ako nakuhang pampers sa group sa fb 5.5 each pesos lang din pero orig.. pwede din naman yung mga uso ngayon na korean diapers nestobaba yung lagi ko nakikita pero hiyangan parin daw mhiee

Magbasa pa

mi use cloth diaper meron sa shopee almost 50 pesos pero if ayaw mo naman ng matrabaho at laba nang laba try mo rin mag korean diaper meron din sa shopee 279 something 50 pcs na at super ganda ng quality other than brands 300+ pero 30pcs lang bilis pa mag leaked.

unilove user si baby since newborn siya gang ngayon na mag 3 months na..never pa nagka rashes..abang lang ako lagi sa flash deals ni lazada..ipon ka din cashback para mas maka less..😁😁pati baby wipes and laundry detergent..unilove lahat..

Mii may mga nauuso ngayon na cloth like korean diapers sa tiktok shop, soo far magaganda naman po at affordable. Search lang po kayo sa tiktok shop ng mga ganon,promise po d magkakarashes si baby.

Pwede po cloth diapers pero alam ko mahal din yun but mauulit mo naman yung gamit. Try niyo po disposable diaper na Sweet Baby ang brand. May shopee at lazada po sila. Maganda quality and mas affordable for me. Hope this helps

unilove at kleenfant bagsak presyo yan pagka sale lalo pagka mag abang ka sa flashdeal ni lazada. kung cloth diaper naman dagdag sa gawain maglalaba kapa🤣

VIP Member

Unilove or Kleenfant. Wait mo magsale sa lazada ang laki ng tipid pag sale. 120pcs 700-800 ko lagi nabibili diaper ni baby kasama na shipping doon

VIP Member

Abang ka sale mi. Love namin unilove at hey tiger nag hohoard ako pag sale. Sobrang okay din eq dry. Sa ngayon eq dry mas madalas ko gamitin kay baby.