hello po, FTM po - gaano kadalas niyo po paliguan pag newborn baby?

First time mom - 1 week old baby. Sa research ko po kasi ang sabi around 3 times a week lang dapat paliguan ang newborn, pero dun sa guidelines na binigay ng pedia niya nakalagay araw araw paliguan si baby. nag worry po kasi ako na kung araw araw paliguan baka mas lalong mag dry yung balat niya, although normal lang naman po yung nagbabalat po sila diba?

hello po, FTM po - gaano kadalas niyo po paliguan pag newborn baby?
11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hello mamsh, based sa experience ko, since pinanganak ko ng summer si baby ko nun (March) everyday ko nililiguan (ulo binubuhusan) then sa katawan esp sa tyan punas iniiwasan kong mabasa yung pusod nya nun (1st week) pero by 7th day natanggal na ang pusod nya, buong katawan na nya ang binubuhusan namin. :) use fragrance free or mild wash po, hanggat maaari.

Magbasa pa
1y ago

2x ,oct ko pinanganak baby ko. 10am full bath tapos isang before 6pm na half bath (pero depende to kapag nagpawis) hanggang ngayon. 2x

Ako po daily bath since newborn. I think yung mga articles online are mostly made by and intended for westerners in cold weathered countries. Dito po sa atin na tropical at mainit, baka rashes po aabutin ni baby kapag hindi araw-araw ang paligo ☺️

1y ago

i agree with this comment, baby ko everyday ang ligo. at kapag sobrang init tlaga even sa gabi nagha halfbath sya pero sobrang mabilisan lang at warm water ang gamit ko.

daily ko po pinaliguan ung 2 newborn babies ko. except nalang kapag malamig ang panahon like maghapon maulan sponge bath lang or punas punas muna.

TapFluencer

Hi miii .. it should be everyday☺️ Yung nagbabalat balat that's normal mawawala naman yan & use mild baby bath soap lang para sa skin ni baby.

Everyday ko po pinapaliguan si baby since Day 2 nya hanggang ngayong 4months na sya . Ligo sa umaga half bath sa gabi.

Everyday po ang ligo. Normal naman po yung pagbabalat, once matapos yun smooth na skin ng baby

we follow pedia. we bathe baby once a day. based from experience, hindi nagdry ang skin ni baby.

ako sa panganay ko araw araw ang ligo nya.

Every day or every other day.

Everyday po