hello po, FTM po - gaano kadalas niyo po paliguan pag newborn baby?

First time mom - 1 week old baby. Sa research ko po kasi ang sabi around 3 times a week lang dapat paliguan ang newborn, pero dun sa guidelines na binigay ng pedia niya nakalagay araw araw paliguan si baby. nag worry po kasi ako na kung araw araw paliguan baka mas lalong mag dry yung balat niya, although normal lang naman po yung nagbabalat po sila diba?

hello po, FTM po - gaano kadalas niyo po paliguan pag newborn baby?
11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako po daily bath since newborn. I think yung mga articles online are mostly made by and intended for westerners in cold weathered countries. Dito po sa atin na tropical at mainit, baka rashes po aabutin ni baby kapag hindi araw-araw ang paligo ☺️

2y ago

i agree with this comment, baby ko everyday ang ligo. at kapag sobrang init tlaga even sa gabi nagha halfbath sya pero sobrang mabilisan lang at warm water ang gamit ko.