Nag-cheat yung boyfriend ko during my pregnancy. Bibigyan ko pa ba ng second chance?
First of all po, gusto ko lang po sana mabasa ung opinyon nyo po and I'm not here para mag-gain ng judgement. ASK KO LANG PO: If bibigyan ko po ba ng second chance para magbago ung jowa ko? Nag cheat at nakipagtalik po sya sa iba and ang dahilan nya po is "buntis po kasi" ako at natatakot syang mabunggo nya yung bata sa loob kaya siya nakipag sex sa iba. Yes, alam ko pong hindi ito katuwiran. Pinagsisisihan naman daw po nya yun, ask ko pang po kung pano po gagawin, kung bibigyan ko ba ng chance alang alang sa pinagbubuntis ko. Di ko na po alam gagawin :( Help!
I don't know the whole story, Mumsh, so I will only give advice based on your kwento lang po. For me, I don't think he deserves a second chance. I don't believe na "natatakot siya mabunggo ang baby niyo" is really his reason for cheating on you. And worse, kasi he is using your pregnancy as an excuse. Kumabaga shini-shift niya yung blame back to you. No sense of accountability for his mistakes. What if breastfeeding ka na? Ano naman excuse niya "ayoko maubusan si baby ng milk?/ayoko matuluan ng breastmilk?" What if may baby na? Ang excuse naman niya next is "Masyado kang busy at pagod?" Forever na yang mag shihsift ng blame sayo for cheating :( and I don't think you need that kind of stress sa buhay mo. Especially in this season where bringing a child to the world will give you joy and fulfilment! Wag na natin haluan ng stress sa lalaki hehe BUT again I don't know po ang buong kwento. In the end, it's still your decision. I hope you choose well for you and baby! God bless you Mommy and congrats sa pregnancy!
Magbasa paPersonally, siyempre hindi. Cheating is and will always be a choice. It can never be justified. But madali sa akin mag-judge at magbigay ng opinion based on his actions kasi un lang ang alam ko sa kanya, nag-cheat siya sa'yo. But at the end of the day, hindi ko kayo kilalang pareho. Ikaw lang ang nakakaalam if he's worth the second chance or not. It will never be an easy decision, so before you decide, seek wisdom from the Lord and listen to your heart. Isipin mong mabuti kung kaya mong ibigay ulit ang tiwala mo. Hugs 🤗 Take a rest and hope you'll feel better soon. Don't pressure yourself na gumawa agad ng decision. Ingat ka for you and your baby.
Magbasa paAnong ayaw masaktan yung baby sa loob, nagpapatawa ba sya? May madahilan lang talaga ang mga cheater e. Kung talagang may care sya dahil buntis ka, hinding hindi nya yun gagawin. Pwede naman sya manood ng porn or mag sarili. Kung ako tatanungin mo, hindi na. Nagawa na agad buntis ka palang ganyan na what more pag lumaki na anak mo. But then again, i don’t know the whole story of your relationship. Ikaw lang makakapagsabi nyan at makakapg desisyon for you and your baby. I wish you well and your baby. Take care. Wag muna magpakastress muna sa kanya, your baby needs you the most. Naapektuhan din sya sa loob. Hugs mi
Magbasa paBuntis ka palang dipa nagtatagal relationship niyo nagCHEAT na sya agad. Mukhang newly couples palang kayo. Alam mo beh,hindi rason yan para magcheat sya. Madami pa kayong lalakbayin bilang partners,yang pagbubuntis mo is umpisa palang. Nakakatakot kapag tumagal na kayo,paano ka na? Anong ikakatwiran niya next time kapag naging ganap ka ng isang nanay ng anak niya? Na wala ka ng time sakanya?? Paano kapag mapabayaan mo hitsura at katawan mo dahil sa pag-aalaga?? Anong ikakatwiran niya ulit?? Madami pa kayong pagdadaanan,pero wala pa kayong pagsubok,naloko ka na niya. Hindi mo kailangan ng CHEATER. Uulit lang yan.
Magbasa paHi mommy! High risk pregnancy kami ni hubby now. Sa 1st trimester, no sex at all. Sobrang hirap for us kasi active kami talaga pero he understands well na nagtatransition ang body ko. We waited sa go signal ni OB sa 2nd trimester for us to do it again. My husband waited for me. Ganun yung love, mommy. Kaya maghintay. If hindi nakapaghintay jowa mo, i dont think he deserves another chance. Kasi malaking possibility mauulit lang e. But of course ayaw mo naman ng broken family, so mahirap talaga yan. Pray for your decision and go for the best one for you and your baby. 🥺
Magbasa paRun Girl! Hindi sya worth it. Magiging source lang yan ng stress sayo at mag papa baba ng self worth mo hanggang sa isipin mo nalang na kaya ka ginaganyan kasi hindi ka kagaya ng iba. mahirap maging single mom dama ko yan kasi pinalaki ako ng mama ko na sya lang. pero sabi nga ni mama mas mahirap pa din daw makasama ang taong sakit sa ulo at puso lang ang dala. Ang buntis dapat hindi na stress, dapat ang asawa mo pinapasaya ka lagi kasi anak nyo yan hindi yung ginaganyan kapa. Hahayaan mo pa bang makita ng anak mo kagaguhan ng tatay nya? At magka trauma anak mo.
Magbasa paIsang mahigpit na yakap para sayo mie sobrang sakit namn ng ginawa ng jowa mo sayo sobrang babaw Po ng dahilan nya para Gawin nya Yun, Sarili nya lang iniisip nya, ndi ka manlang iniisip nya kung masasaktan ka or ndi mas Inuuna nya pa kaligayahan nya, nasasaiyo Ang desisyon mie kung he's worth for 2nd chance dahil Ikaw Ang mas nakakakilala sa kanya ano Mang dahilan nya is still cheating Padin dapat mas iniisip nya na masasaktan ka at the first place at buntis ka dapat Kang ingatan Ang kikitid ng utak nya.
Magbasa paIf he truly respects you and your baby, sana nag research muna siya about safe sex during pregnancy. Hindi naman reason yung pagbubuntis mo (unless maselan) para hanapin sa iba yung pleasure. Desisyon mo pa rin naman yan siz. Kung tingin mong worth it pa to try again, then go. One thing is for sure, hindi mo na sya makikita at matitignan like before bago nya gawin yung ginawa niya. Isipin mo makakabuti for you and for the baby growing inside you, communicate too. Sobrang importante ng communication sa relationship.
Magbasa paMy partner also cheated during pregnant ako sobrang hirap magdecide that time gusto ko na sya hiwalayan but I stayed muna binigyan ko sya ng chance kasi i need him tiniis ko mi ang sakit sabi ko after ko manganak hiwalayan ko na 😂 ayon nagbago naman pro ung mindset ko na now Kapag inulit nya pa wala ng second chance kasi cheating is a choice. Ikaw pa rin ang mas nakakaalam...ipagpray mo muna magiging desisyon mo mi, God bless you. I feel you, makakayanan mo rin, I hope makaheal ka rin agad pra kay baby mo.
Magbasa pathank you mi 🥹
OMG ! siguro most of all takot Tayo na baka maghanap Yung mga partner natin sa iba kasi di sila nakakapag sex satin takot sila like what you said. pero Hindi valid reason na makipagDO sa Ibang babae, WHAT IF mabuntis nya Rin Yun , paano ka, paano na din magiging baby mo, paano na din Yung babae na Isa! shocks nagawa nya Yun haaaays kastress sya ,we know hirap ka makapagdesisyon on choosing what is right to do. just pray at wag ka pakastress, dasal ka lang po. safety Muna ni baby din unahin mo
Magbasa pa