Nag-cheat yung boyfriend ko during my pregnancy. Bibigyan ko pa ba ng second chance?

First of all po, gusto ko lang po sana mabasa ung opinyon nyo po and I'm not here para mag-gain ng judgement. ASK KO LANG PO: If bibigyan ko po ba ng second chance para magbago ung jowa ko? Nag cheat at nakipagtalik po sya sa iba and ang dahilan nya po is "buntis po kasi" ako at natatakot syang mabunggo nya yung bata sa loob kaya siya nakipag sex sa iba. Yes, alam ko pong hindi ito katuwiran. Pinagsisisihan naman daw po nya yun, ask ko pang po kung pano po gagawin, kung bibigyan ko ba ng chance alang alang sa pinagbubuntis ko. Di ko na po alam gagawin :( Help!

41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

I don't know the whole story, Mumsh, so I will only give advice based on your kwento lang po. For me, I don't think he deserves a second chance. I don't believe na "natatakot siya mabunggo ang baby niyo" is really his reason for cheating on you. And worse, kasi he is using your pregnancy as an excuse. Kumabaga shini-shift niya yung blame back to you. No sense of accountability for his mistakes. What if breastfeeding ka na? Ano naman excuse niya "ayoko maubusan si baby ng milk?/ayoko matuluan ng breastmilk?" What if may baby na? Ang excuse naman niya next is "Masyado kang busy at pagod?" Forever na yang mag shihsift ng blame sayo for cheating :( and I don't think you need that kind of stress sa buhay mo. Especially in this season where bringing a child to the world will give you joy and fulfilment! Wag na natin haluan ng stress sa lalaki hehe BUT again I don't know po ang buong kwento. In the end, it's still your decision. I hope you choose well for you and baby! God bless you Mommy and congrats sa pregnancy!

Magbasa pa