Nag-cheat yung boyfriend ko during my pregnancy. Bibigyan ko pa ba ng second chance?

First of all po, gusto ko lang po sana mabasa ung opinyon nyo po and I'm not here para mag-gain ng judgement. ASK KO LANG PO: If bibigyan ko po ba ng second chance para magbago ung jowa ko? Nag cheat at nakipagtalik po sya sa iba and ang dahilan nya po is "buntis po kasi" ako at natatakot syang mabunggo nya yung bata sa loob kaya siya nakipag sex sa iba. Yes, alam ko pong hindi ito katuwiran. Pinagsisisihan naman daw po nya yun, ask ko pang po kung pano po gagawin, kung bibigyan ko ba ng chance alang alang sa pinagbubuntis ko. Di ko na po alam gagawin :( Help!

41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Virtual huuug! πŸ˜• Ang hirap naman tanchahin kung worth it ba sya bigyan ng 2nd chance or hindi. Kasi di naman natin alam kung magbabago ba sya o uulit lang din. Pagdasal mo muna maigi bago ka magdesisyon para maguide ka mabuti ni Lord. Iba iba din naman kasi opinion ng mga tao nakapaligid sayo lalo kaming strangers. At the end of the day, ikaw pa rin naman masusunod lalo kung anong nararamdaman mo. Hoping and praying malampasan mo yang situation mo and maging safe kayo ng baby mo. πŸ’•

Magbasa pa
2y ago

gantong comments need q kahit papaano nakagaan ng loob ko :( thank you po! πŸ₯Ή

Ang hirap naman po nyan mii, maganda po sigro kung check nyo mga magiging advantages at disadvantages sa magiging disisyon mo po. Sigro one thing to consider na rin, ano man po ireason nya CHEATING IS STILL CHEATING. Mas need mo sya during this period na pregnant ka and yet ng hanap sya ng iba para ma fulfill yung needs nya. Hindi nya totally pinagisipan ang actions nya.

Magbasa pa
2y ago

for me kung gusto niya may mang yari sa inyo kahit pregnant ka pwede.nman I consult niyo sa doctor kung pwede paba sa ganahan kung takot man sya sa mangyayari sa bata , pero di rason para naghanap sya dahil buntis ka , still cheating pero nasasayo yon ma'am , ang nakakatakot buntis kana baka.mabuntis pa yong isa ..

Naku miii, hindi rason kung buntis ka para mag cheat siya wag niya gawin dahilan ang baby para lang matabunan yan kasalanan niya. Paano nalang ule kung buntis ka, magloloko ule siya? Tsaka paano din kung mabuntis niya yun babae? Haynaku. Grabe na nga paghihirap natin sa pagbubuntis ganiyan pa ibabalik na kapalit. Virtual big hug sayo mi. Tibayan mo loob mo para kay baby ah! Fighting

Magbasa pa
2y ago

Kumusta na kayo ni baby mi?

Hindi reason na natatakot siyang mabunggo or matamaan yung bata pinagbubuntis mo para makipagtalik siya sa iba. Doon palang mii pinatunayan niya ng di solid yung love na meron siya sayo at sa baby niyo. Naging makasarili siya, inisip lang niya kapakanan niya. Kaya it's a big NO. Dahil tama ang mga mommy na naunang nagsabi may possibility na uulit lang ulit siya sa pagchicheat niya.

Magbasa pa

hello momshies... nasa sa iyo yan kung bibigyan mo ng second chance. pero para sa akin, not worth it, kasi unang una sa lahat sana inisip nya na ang mga preggies are emotionally vulnerable, second, panu kung in the future eh napabayaan mong alagaan ang sarili mo, baka yan pa ang idahilan nya. Let him be a father to your child, kasi nabasag na nya ang trust mo. sa akin lang.

Magbasa pa

Been there done that, pero nd umabot sa talik, sa chat lang(nahuli ko na agad), pero still cheating pa din, Wala ako sa position mo to decide. Ilang beses mong pag isipan ung magging desisyon mo sis, alam kong d madali at sobrang hirap. pero ikaw pa rin ang mg dedecide kase ikaw ang mas nakakakilala sa knya. Hoping na maging better ung feelings moπŸ™‚

Magbasa pa

Di nyo deserve ng baby mo yung ginagawa nya. Go heal and pag pray mo ang situation nyo. God has your side, sainyo ni baby. Mabuti pa na nireveal sayo agad na ganyan yung ugali ng nakabuntis sayo at di mo pa sya asawa. Choose the better life for you and kay baby, mommy. I will also pray for your healing mentally and physically and for your safe delivery :)

Magbasa pa
2y ago

maraming thank you poπŸ₯Ή

VIP Member

mi take your consequence kung ano mapili mong choice. if magstay ka kaya mo ba na pagkatiwalaan uli at patawarin sya? di ka ba magiisip na baka ulitin nya ulit? kaya mo bang makasama sya despite ng nagawa nya? tingin mo ba responsableng ama sya sa nagawa nya? i hope you make a choice na okay for you and baby and won't sacrifice your future

Magbasa pa

run momshie! run! been there, preggy, gusto ipalaglag + cheating..oo mahirap maging single parent, pero mas mahirap yung wala kayong peace of mind. Cheating is a choice.. always remember that. Alagaan ang mental health and sarili para pag labas ni baby strong si mommy. kaya mo yan! God has other plans for you and your baby. All is well πŸ™πŸ½

Magbasa pa
2y ago

maraming thabk you po

parang napaka babaw po yung rason nya. at kahit anong rason pa po nya parang hnd nman valid para mag cheat. hingi ka po ng wisdom, understanding at discernment kay Lord. kasi si Lord po ay Prince of PEACE. alamin mo ang will ni Lord. madalas po malalaman natin ang will ni Lord kung may peace ba tayo sa magiging desisyon natin or wala.

Magbasa pa