Nag-cheat yung boyfriend ko during my pregnancy. Bibigyan ko pa ba ng second chance?

First of all po, gusto ko lang po sana mabasa ung opinyon nyo po and I'm not here para mag-gain ng judgement. ASK KO LANG PO: If bibigyan ko po ba ng second chance para magbago ung jowa ko? Nag cheat at nakipagtalik po sya sa iba and ang dahilan nya po is "buntis po kasi" ako at natatakot syang mabunggo nya yung bata sa loob kaya siya nakipag sex sa iba. Yes, alam ko pong hindi ito katuwiran. Pinagsisisihan naman daw po nya yun, ask ko pang po kung pano po gagawin, kung bibigyan ko ba ng chance alang alang sa pinagbubuntis ko. Di ko na po alam gagawin :( Help!

41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Run Girl! Hindi sya worth it. Magiging source lang yan ng stress sayo at mag papa baba ng self worth mo hanggang sa isipin mo nalang na kaya ka ginaganyan kasi hindi ka kagaya ng iba. mahirap maging single mom dama ko yan kasi pinalaki ako ng mama ko na sya lang. pero sabi nga ni mama mas mahirap pa din daw makasama ang taong sakit sa ulo at puso lang ang dala. Ang buntis dapat hindi na stress, dapat ang asawa mo pinapasaya ka lagi kasi anak nyo yan hindi yung ginaganyan kapa. Hahayaan mo pa bang makita ng anak mo kagaguhan ng tatay nya? At magka trauma anak mo.

Magbasa pa