Meet my baby Girl

?Xyz Ryann N. Pastor? Finally the long wait is over ? EDD: December 16, 2019 DOB: December 16, 2019 3.7kg Normal Delivery 10:32am I just want to share my experience. Mahaba po ito. Dec. 15 sumasakit lang puson ko parang nagmemens lang ako nung gabi tas tigas tigas lang. Keri pa naman kasi normal naman sakin nararamdaman yun kaso nawawala din naman pero nung gabing yun di nawawala pero keri ko pa. Nagpaslash pa nga ako sa lazada sa mga friends ko ng 12mn. Then yun wala akong napala ambilis mag out of stock ? so natulog na ako pero panay ang gising ko kasi ang sakit ng puson ko. Di na ako nakatulog ng maayos. Napuputol kakagising. Then 5:30am nagising ako di na ako natulog ulit at umihi ako may nakita akong bahid ng dugo sa kubeta. Sa isip isip ko baka manganganak na ako kaya naglakad lakad ako dito sa harap ng bahay namin at pati balakang at likod ko sumasakit na rin. Tas alam kong contraction na yung nararamdaman ko kasi humihilab at sabay tigas ng tyan ko every 5mins at inhale exhale ko lang nawawala yung sakit. Nakita ako ng byenan kong lalake sabi ko sumasakit na po yung puson ko. Tas sya nagsabi sa mil ko tas sinabi ko din kay mil na sumasakit na nga sabi nya text ko midwife na humihilab na tyan ko tas sabi nya magdress o duster daw ako tas sabi ko maligo nalang po ako baka di na po ako makaligo mamaya so nakaligo pa ako kahit sumasakit. Tas 7am nag pa ie na ako 2-3cm na daw ako. Mamaya daw manganganak na ako. So umuwi na kami 7:30 kumain pa ako ng konti tinitiis ko yung sakit pero habang kumakain ako napapansin ko yung interval ko 2-3mins sabi ko sa mil ko sunod sunod na hilab kaya tinawagan namin yung midwife sabi nasa kabilang brgy sya dun kasi sya nakaassign e nagbabakuna sa mga baby punta nalang daw po kami dun. Kaya yun 8:30am nakarating kami dun. Tas di na maipinta mukha ko. Yung tita ng hubby ko kinakaputan ko twing humihilab hahaha nabubugbog ko na daw sya para kaming nagpupunong braso tas yung mil ko hinihimas tyan ko at kinakausap baby ko. Mabait nagpapaanak sakin pinapainom pa nga ako ng tubig walang bawal bawal. At pag nararamdaman ko daw na parang natatae ako umire lang daw ako pero pag di naman humihilab wag ko daw piliting iire at wag daw akong sisigaw wag daw sa lalamunan ang iirehin ko sa tyan daw. Tas inhale exhale daw ako kaya pag iire ako walang boses at napakalalim ko umire ang haba kumakapit lang ako sa bakal sumisigaw ako ng letter B pero walang boses bale sa isip ko lang sinisigaw. Nararamdaman ko na ngang lumalabas na laman ng pwet ko pero hinayaan ko lang pero kalaunan nararamdaman ko parang may nakabara na sa pwerta ko kaya nung naramdaman ko yun mas lalo kong hinabaan pag iire ko. Tas nung ramdam kong lumalabas na sya parang napupunit yung pwerta sa bandang baba pero hinayaan ko na basta iire nalang ako tas lumabas na ang ulo tas yun naputol ire ko kasi humigop na naman ako ng malalim para pang ire ng mahaba tas pag ire ko ulit lumusot na rin ang katawan tas biglang labas ng tubig sa pwerta ko. 10:32am lumabas na si Baby. Salamat sa Dyos at nakaraos kami paglabas ng baby ko paulit ulit akong nagsalita ng thankyou Lord, thankyou Lord. Tas nung nilagay na sa dibdib ko yung baby ko nagthankyou din ako sa kanya kasi di na nya pinatagal ang paglilabor ko. Lagi ko kasi syang kinakausap noon na wag nya pahirapan si mommy para di kami mahirapan dalawa. Basta magpakabait sya.

Meet my baby Girl
81 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang gandang baby.. salamat din po SA story nyu.. malapit na ko manganak SA first baby ko po... God Bless 💛

Ang cute. Congrats po! Yun early signs mo po ganan na den nararamdaman ko. Sana d den ako pahirapan ni baby.

5y ago

Thank you po. Kinakausap ko nga e. Hopefully talaga haha. Congrats ulet!

Congrats mommy sana ganyan lang din ako kadali manganak 😍 nakaka inspire naman po kayo.

ako sa hospital nangank...bawal dw at least 3 months..pinaphikawan ko na si baby ko...bwal dw...

5y ago

oo sa lying in tlg pwd...ganyan ako sa pangalawa ko eii....sa hospital ...bawal...tsk.tsk.tsk

VIP Member

Omg an laki ni baby.. Buti nlng na kaya niyo pong i normal. Sana ako din. Congrats!

congrats mommy❤️sana ako din di mahirapan excited to see my little one next month

Congrats mamsh..sana makaraos na rin ako.excited na ko makita si baby namin..💞🙏

Ang laki niya momsh. Buti nakaya mong iire Buti kapa nakaraos kana. Sana ako din🙏

5y ago

Nakakastress talaga sis grabe. Sa sobrang pag iisip ko na low blood tuloy ako. Si God lang talaga my alam kung kelan namin makakapiling si baby. Sana one of this days na!

Congrats! Kabirthday p ng baby ko baby mu December 16,2018 ko xa pinanganak

Congratulations mommy. Ilang days po ba pweding lagyan ng earings c baby?

5y ago

Opo yung ob nya naglagay. 😊