Working First Time Mom

Hi fellow Mommas, FTM here. Bumalik ako ng work 4 months ago. Everything was good back then not until recently na parang hindi na ko kilala ng baby ko bilang nanay nya. Before, pag uwi ko ng bahay tatawagin ko lang pangalan niya at sasabihin “mama, mommy” ngingiti na sya or bubungisngis pero ngayon dinededma or tinitignan lang ako na minsan naiisip ko kung alam ba niya na ako un nanay nya. 12 hrs and duty ko at shifting. Kapag ako ay pumapasok ng pang umaga, pag uwi ko tulog na si lo. Pag pang gabi naman, pag uwi ko sa umaga kukunin sya sakin ng babysitter. I understand na job nya un alagaan si baby pero it means less time for me and my baby. Ngayon feel ko mas close ang baby ko sa babysitter nya. Feel ko sya un kilala nanay kasi the moment na makita nya ngingiti sya at hahagikhik habang naglalaro which is never ginawa sakin ng baby. Hands on naman un tatay, sya nag aalaga pero feel ko para ang kilala na magulang ng anak ko ung tatay at babysitter un nanay nya. Parang neto nakaraan di ko feel un attachment sakin ng anak ko. Pwede ba makahingi ng payo sainyo. Salamat

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi, working mom din ako but hindi naman 12hrs shift ko. Before shifting schedule ko but I decided to find a new job na hindi shifting para my time pa din ako kay baby. Paguwi ko from work. I make sure na ako ang mag aalaga kay baby. Sinabi ko yan sa yaya niya at sa mom ko na nag aalaga sa kanya sa morning pag wala ako. Pump ako sa work, while sa house unli latch siya saken. Even sa gabi I make sure na ako mag bbath time at magpapa tulog sa kanya. Make a schedule mommy lalo na pag off mo. Pag off namin ni hubby, off ni yaya just to make sure na my time kami for our baby. And pag baby time hands off kami sa phones namin kahit medyo hectic schedules ko. I often talked to my secretary na no phone calls pag out ko and off ko. Kasi focus ko is kay baby. Sana maka help sayo. I know nakakapagod talaga pero sometimes we need to sacrifice.

Magbasa pa
3y ago

Advice ko lang mamsh, pag nasa house ka ikaw humawak kay baby. Wag ka pumayag na kunin siya sayo unless ikaw magsabi. Para bumalik attachment sayo ni baby. Kasi si baby kahit my work ako, pag uwi ko saken lang niya gusto dumikit, lalo na pag nakikita niya ko pagpasok sa pinto tuwang tuwa siya.