Working First Time Mom

Hi fellow Mommas, FTM here. Bumalik ako ng work 4 months ago. Everything was good back then not until recently na parang hindi na ko kilala ng baby ko bilang nanay nya. Before, pag uwi ko ng bahay tatawagin ko lang pangalan niya at sasabihin “mama, mommy” ngingiti na sya or bubungisngis pero ngayon dinededma or tinitignan lang ako na minsan naiisip ko kung alam ba niya na ako un nanay nya. 12 hrs and duty ko at shifting. Kapag ako ay pumapasok ng pang umaga, pag uwi ko tulog na si lo. Pag pang gabi naman, pag uwi ko sa umaga kukunin sya sakin ng babysitter. I understand na job nya un alagaan si baby pero it means less time for me and my baby. Ngayon feel ko mas close ang baby ko sa babysitter nya. Feel ko sya un kilala nanay kasi the moment na makita nya ngingiti sya at hahagikhik habang naglalaro which is never ginawa sakin ng baby. Hands on naman un tatay, sya nag aalaga pero feel ko para ang kilala na magulang ng anak ko ung tatay at babysitter un nanay nya. Parang neto nakaraan di ko feel un attachment sakin ng anak ko. Pwede ba makahingi ng payo sainyo. Salamat

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I'm sorry you're in that situation, mommy pero sa nabanggit nyong schedule nyo with your lo, halos hindi na kayo nagkakaroon ng bonding time so it's expected. I know na pagod rin po kayo with work but if you really want to, then you really have to make time for your child. 12hrs po ba talaga kailangan ang shift nyo? baka pwede mabawasan. Kapag night shift naman po kayo, pag-uwi nyo ng bahay, baka pwedeng gawaing bahay muna focus ni babysitter para makapagbonding kayo ni baby? May I also suggest breastfeeding, if you can, as it's a very good bonding experience for you and your lo. Pag-usapan nyo pong mag-asawa kung paano pa ma-improve setup nyo. Hindi pa po kasi maiintindihan ng anak nyo na uri ng pagmamahal yung sakripisyo nyo at work. Mas naintindihan po nila ang love = quality time habang bata pa sila. They grow up so fast. I hope you'll be able to work it out. Hugs to you, mommy 🤗

Magbasa pa
3y ago

Ganun po ba, mommy. As for breastfeeding, you might want to consult with a breastfeeding counselor if you're interested in relactation. Dun naman sa whether baka makalimutan ka ni lo, I'm no expert on the matter but I think hindi naman nya makakalimutan na ikaw yung nanay nya. I'm pretty sure alam pa rin nya yung unique scent mo. But the question is, ano yung makakagisnan nyang "role" mo as her 'mom'. Also, I don't know how old is your lo but possible din na its just a phase. If you don't mind me sharing my experience: Ako rin minsan nagseselos sa yaya ni lo, lalo na nung umpisa, iniiyakan nya kapag aalis na, ako hindi (uwian si yaya, duty lang sya while I'm at work). Minsan gusto pa sumama pauwi 😭 But in the end, ako si "mamay"-- his disciplinarian, dede, book storyteller, and other bonding "rituals" that are between the two of us. Si yaya lang talaga yung forever attentive playmate nya. May differerent routine din sila ng papa nya. Pagbalik ko from work, as much as gusto ko na lng