INIS SA PAMILYA NI HUBBY

Feeling ko ang sama sama ko kasi nabubwisit ako sa pamilya nya. Pera kasi tingin kay hubby. Wala na nabibili para sa sarili nya si hubby nung mag bf palang kami kasi lahat bigay sa kanila. May 3 sya batang kapatid. Ngayon nagpaplano na kami mag pakasal kasi buntis ako kaya nag iipon talaga kami. Etong pamilya nya tuwing tumatawag ang laging bukang bibig " wala kami pera" " marami na utang na tindahan" wala choice si hubby kundi magbigay. Mga bata pa magulang nya nasa late 40's. Di ko masabi sa hubby ko na naiinis ako kasi alam kong magagalit siya. Pero sana naman hayaan nya gumawa ng paraan ang magulang nya. Masama ba ko para mainis? Minsan iniisip ko nalang na ok yung responsible sya. Nastress ako kasi may baby kami na parating.

INIS SA PAMILYA NI HUBBY
20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Huwag ka po masyado mastress mommy paapektuhan po ang baby. Ganyan po kasi nangyari sakin nagpadala po ako stress. Maging honest ka nalang po kay hubby mo, mapag-uusapan naman po ng maayos iyan, para mpag-usapan din ng hubby mo at ng mama niya, pwde rin po kayo magsched. Kung kailan siya pwde magpadala kila mama niya. 🙂 Stay safe always mommy. Cheer up. Don't stress too much yourself.

Magbasa pa