INIS SA PAMILYA NI HUBBY

Feeling ko ang sama sama ko kasi nabubwisit ako sa pamilya nya. Pera kasi tingin kay hubby. Wala na nabibili para sa sarili nya si hubby nung mag bf palang kami kasi lahat bigay sa kanila. May 3 sya batang kapatid. Ngayon nagpaplano na kami mag pakasal kasi buntis ako kaya nag iipon talaga kami. Etong pamilya nya tuwing tumatawag ang laging bukang bibig " wala kami pera" " marami na utang na tindahan" wala choice si hubby kundi magbigay. Mga bata pa magulang nya nasa late 40's. Di ko masabi sa hubby ko na naiinis ako kasi alam kong magagalit siya. Pero sana naman hayaan nya gumawa ng paraan ang magulang nya. Masama ba ko para mainis? Minsan iniisip ko nalang na ok yung responsible sya. Nastress ako kasi may baby kami na parating.

INIS SA PAMILYA NI HUBBY
20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Parehas tayo ng nafifeel sis! Halos lahat ng sahod ng asawa ko napupunta sa pamilya niya. Sa kabila kasi andun yung mama nia, ate niya na single mom na may tatlong maliit pang anak. Pinakanaiinis ako sa sister in law ko kasi ginawa niyang tatay ng mga anak niya yung asawa ko. Lahat ng gastos sa bahay nila puro sa asawa ko. Noon pa hindi na maroong gumawa ng diskarte ang ate niya tapos ngayon wala pang trabaho dahil sa community quarantine. Hindi makaipon ang asawa ko pra sa pangangak ko, due ko pa naman ngayon June. Buti nalang medyo malaki sinasahod, ako na bumili ng lahat ng kaylangan ng baby namin.

Magbasa pa