INIS SA PAMILYA NI HUBBY

Feeling ko ang sama sama ko kasi nabubwisit ako sa pamilya nya. Pera kasi tingin kay hubby. Wala na nabibili para sa sarili nya si hubby nung mag bf palang kami kasi lahat bigay sa kanila. May 3 sya batang kapatid. Ngayon nagpaplano na kami mag pakasal kasi buntis ako kaya nag iipon talaga kami. Etong pamilya nya tuwing tumatawag ang laging bukang bibig " wala kami pera" " marami na utang na tindahan" wala choice si hubby kundi magbigay. Mga bata pa magulang nya nasa late 40's. Di ko masabi sa hubby ko na naiinis ako kasi alam kong magagalit siya. Pero sana naman hayaan nya gumawa ng paraan ang magulang nya. Masama ba ko para mainis? Minsan iniisip ko nalang na ok yung responsible sya. Nastress ako kasi may baby kami na parating.

INIS SA PAMILYA NI HUBBY
20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I think you should be honest about how you feel. Ganyan din ang BF ko, nanay naman nyang senior, widow and financially independent na napakadami ng utang sa lending at kung kani-kanino. Dalawa lang sila magkapatid pero ung bf ko lang ang inoobliga nya kaya nakakainis, pati sa mga personal nyang utang. Ngayong buntis na ako, we still help his mom kasi wala naman ibang tutulong. But we set a certain amount lang, 4k a month nothing more nothing less para sa mga bills nya since mag-isa sya sa bahag, ang mga utang nya hindi na. Inexplain at nilaban ko talaga na hanggang dun na lang, kasi magastos manganak at mas magastos magka baby. Hindi naman obligasyon ng Bf ko ung mga utang na un. Kaya ayon, di kami super ok ng nanay nya ngayon, which is pabor naman sakin. Hahaha! Mas gugustuhin ko pang itago ang pera para sa future namin kesa ibayad ng ibayad sa mga utang ng nanay nya. Naintindihan naman ng BF ko, at sya din halos ang nagkukusa ngayon. Kasi alam nyang madami kaming plano at gustong mapundar. The bottomline is dapat lang alam ng bf mo ang priority nya

Magbasa pa