INIS SA PAMILYA NI HUBBY

Feeling ko ang sama sama ko kasi nabubwisit ako sa pamilya nya. Pera kasi tingin kay hubby. Wala na nabibili para sa sarili nya si hubby nung mag bf palang kami kasi lahat bigay sa kanila. May 3 sya batang kapatid. Ngayon nagpaplano na kami mag pakasal kasi buntis ako kaya nag iipon talaga kami. Etong pamilya nya tuwing tumatawag ang laging bukang bibig " wala kami pera" " marami na utang na tindahan" wala choice si hubby kundi magbigay. Mga bata pa magulang nya nasa late 40's. Di ko masabi sa hubby ko na naiinis ako kasi alam kong magagalit siya. Pero sana naman hayaan nya gumawa ng paraan ang magulang nya. Masama ba ko para mainis? Minsan iniisip ko nalang na ok yung responsible sya. Nastress ako kasi may baby kami na parating.

INIS SA PAMILYA NI HUBBY
20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganto dn problema ko pero mismong papa ko nga lang eh .. 😑 ung halos lahat ng cash assistance ko sa company sa kanila na napunta .kc kailangan magpadala sa asawa nya na stepmother ko at anak nya na gumagatas pa . Sa kanila nasagad atm ko . Hanggang pambili ko lng ng gatas ang pera ko . 1k na lang ang natira sa akin . Pangcheck up na lang . Walang wala na kong pera para sa akin . Hihingi tuloy ako sa asawa nakakahiya lang . Hayss . Kaso walang choice walang trabaho sya ng 1month dahl sa ecq kaso sana naintindihan nya dn ang sitwasyon ko na buntis ako . Nahihiya ako sa asawa ko dahl sa papa kong d gumawa ng paraan at hndi marunong dumiskarte man lang eh . Napakahirap lang ng ganon 😑🙄

Magbasa pa