INIS SA PAMILYA NI HUBBY

Feeling ko ang sama sama ko kasi nabubwisit ako sa pamilya nya. Pera kasi tingin kay hubby. Wala na nabibili para sa sarili nya si hubby nung mag bf palang kami kasi lahat bigay sa kanila. May 3 sya batang kapatid. Ngayon nagpaplano na kami mag pakasal kasi buntis ako kaya nag iipon talaga kami. Etong pamilya nya tuwing tumatawag ang laging bukang bibig " wala kami pera" " marami na utang na tindahan" wala choice si hubby kundi magbigay. Mga bata pa magulang nya nasa late 40's. Di ko masabi sa hubby ko na naiinis ako kasi alam kong magagalit siya. Pero sana naman hayaan nya gumawa ng paraan ang magulang nya. Masama ba ko para mainis? Minsan iniisip ko nalang na ok yung responsible sya. Nastress ako kasi may baby kami na parating.

INIS SA PAMILYA NI HUBBY
20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Talk to your partner ng mahinahon. Explain mo sa kanya ng maayos. Sabihin mo "alam ko mahal na mahal mo pamilya mo. Ganyan din ako. Sa family ko,lahat gagawin ko. Okay lang tayo magbigay. Lalo na pag may sobra. Pero andito na si baby. May family narin tayo. At tayo inaasahan ng baby natin. Ma provide mga pangangailangan niya. Kaya impok impok na tayo ng pera. Para handa din tayo.lalo ngayon magpapakasal tayo." Walang masama sa pagbibigay. Oo,responsibilidad niya iyon. DATI. Kasi ngayon,anjan na kayo ng anak nyo. Kayo na ang pamilya niya. Meaning,kayo na ang priority niya. Im sure maiintindihan ng pamilya ng hubby mo. Na hindi na magiging katulad ng dati na all the way ang bigay ng pera. Pero hindi ibig sabihin,makakalimutan na sila. Magbibigay bigay parin hubby mo pero mas controlled na.

Magbasa pa