INIS SA PAMILYA NI HUBBY

Feeling ko ang sama sama ko kasi nabubwisit ako sa pamilya nya. Pera kasi tingin kay hubby. Wala na nabibili para sa sarili nya si hubby nung mag bf palang kami kasi lahat bigay sa kanila. May 3 sya batang kapatid. Ngayon nagpaplano na kami mag pakasal kasi buntis ako kaya nag iipon talaga kami. Etong pamilya nya tuwing tumatawag ang laging bukang bibig " wala kami pera" " marami na utang na tindahan" wala choice si hubby kundi magbigay. Mga bata pa magulang nya nasa late 40's. Di ko masabi sa hubby ko na naiinis ako kasi alam kong magagalit siya. Pero sana naman hayaan nya gumawa ng paraan ang magulang nya. Masama ba ko para mainis? Minsan iniisip ko nalang na ok yung responsible sya. Nastress ako kasi may baby kami na parating.

INIS SA PAMILYA NI HUBBY
20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Alam mo naman yung sitwasyon nya in the first place eh. Sabi mo nga magjowa palang kayo ganun na yung sistema eh. Alam mong may obligasyon sya sa pamilya nya bago nyo pa man pinasok yang sitwasyon na yan eh. Kung di nagrereklamo yung asawa mo na sya nga mismo yung napapagod at sya yung nahihirapan i suggest tulungan mo nalang sya. Di nya kailangan ng isa pang pressure.

Magbasa pa