February, nalaman namin na preggy ako.
April pa lang napasa na namin sa boss ko yung mga requirements, then pinapasa nila through email sa HR namin kasi di pumapasok HR that time dahil sa pandemic. Nakareceive na rin kami ng email from SSS regarding sa maternity notification nung April 14. Sabi nung HR sa amin through email, first half daw matatanggap namin ng August. So okay na po, nakahinga kami ng maluwag kasi akala namin okay na lahat.
Nagulat kami pag-pasok ng August nung nag-palit ng boss, wala pa rin daw po pala na-file, wala pa rin until now yung first half tapos nag-papasa sila ng Obstetrical History dahil kailangan daw bago ma-file yung MAT1, binayaran pa namin yun ng ₱300.00 para lang mapirmahan kasi kapag nakapanganak pa daw po dapat yon sabi ng OB, pero nag-bayad pa rin kami para lang matapos na. Tapos nagulat kami, may natanggap nanaman kami through email na Mat Notification neto lang pong September 16. 😣
Ngayon dalawa na yung lumabas sa website tapos wala pa rin info na nakalagay doon sa Maternity Benefit na button. Magkakaproblema po kaya 'to? 😣
Sobrang stressed out na po ako kasi September 25 onwards pwede na daw po ako mapaanak pero til now wala pa rin silang nirerelease, maski computation man lang kung magkano makukuha namin.
Jessica Mendoza