Excited masyado family ko magpakain sa baby ko. Kaya 6 days before sya mag 6 mos, pinakain na sya ng cerelac ng tita ko. Tapos ung papa ko naman pinakain na nya ng kanin. Nung pinakaunang beses, dinudurog nya pa ung kanin. Pero nung pangalawa hanggang ngayon na 6mos and 7 days sya, di na dinudurog. Excited din naman ako magpakain. Bumili pa nga ako ng isang set ng baby bullet na food processor. Gustong gusto ko na pa naman ng gumawa ng veggie and fruit puree. Plinano ko pa ung first week na puree na gagawin ko. Kaso kung ano kinakain namin, kanin at ulam, un din pinapakain sa kanya(tuwing dinner lang naman).Si papa lang naman nagpapakain kasi minsan lang naman sya dito. Seaman kasi sya so bakasyon kaya sulit sulit nya si baby. Pero nagwoworry na ako. Like kagabi, adobong manok ulam namin e may mga butong nahiwalay hiwalay na. Sabaw lang naman pero baka kasi may maliit na buto na masama. Tapos ngayon, alimasag(ung alimasag na isang buwan na sa freezer na bago lang niluto). Pero again sabaw lang na hinalo sa kanin. Kaso nakakaworry baka sumakit ung tyan nya kasi nga matagal na ung alimasag.
Bago kami kakain, tinatanong ko si mama at si papa if okay lang ung ganun kay baby, di nila ako sinasagot. Alam kong disappointed sila dahil nabuntis ako ng maaga pero nung lumabas si baby, parang sila na parents. Okay lang naman kasi first apo. Pero iniisip ko kung iniisip din nila kung makakabuti sa anak ko ung pinapakain. Nagagalit pa si papa na bumili ako ng kalabasa. Sabi nya magkalabasa lang daq if ihahalo sa lulutuing ulam pero kung maglalaga lang tapos blend na wala namang lasa, wag na.
Hayyyy. Dont know what to do. Naiiyak na ako. Mukhang enjoy na enjoy naman anak ko sa pagkain kaya natutuwa sila kaya pakain lang ng pakain kasi maya maya nganganga ulit si baby ung parang nagpapasubo ulit. ????
Janaya de Vera