1 MONTH OLD BABY BOY

Hi everyone, just want to ask your own opinion po or sa mga naka experience na po sa baby nila na, is it normal po na na hindi ako mag worry for my baby kasi he's not gaining weight and his 1 month old na po but still ang liit ng arms, legs niya. I talked to his pedia and said, di daw dapat ako mag worry all I can do is ibreastfeed lang c baby ko but ofcors first time mommy po ako and his mommyla or mga relatives namin said na ang liit niya baka daw yung milk ko is not enough pero I always check naman po may gatas po ako and I'm taking lactation nga po, so everytime naman na umiiyak c baby ko I feed him my milk and mabigat na po siya ngayon hindi lang halata kasi maliit yung arms at legts pero sobrang magalaw niya po, his arms and legs lagi nakagalaw pati pag tulog yung dalawang kamay nya naka taas at sobra malakas sumipa. Mommies, please give me some advice naman po para lumuwag po yung pakiramdam ko for my baby I'm worried yet pinanghahawakan ko padin yung sinabi ng pedia nya. After ng bakuna ni baby ko puntahan ko ulit yung pedia niya at the same time observe padin sa kanya. Siguro excited lang akong magkalaman kunti c baby just like other babies. Thank you po sa mga mommies na makakasagot. God Bless po sa lahat. ❤️ #firstbaby #1stimemom #advicepls

1 MONTH OLD BABY BOY
13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo mommy. Ilan ang weight niya pagka panganak? Lo ko 2.3 lang, marami nagsasabi na ang liit lalo nung nag 1 month. Nagpa pedia kami kasi ang lola ng lo ko gusto mag vitamins si lo kasi nga maliit. Sabi ng pedia as long as pure bf ok lang walang vitamins pero nag resita parin siya ng nutrilin para daw mapanatag loob ng mil ko. Sabi din ng pedia as long as every month nag gain ng weight ok lang. Binilhan pa nga ng formula kasi nga daw maliit, may kasabayan lasi si lo ko na napaka taba na bata pero formula namn yon. Ako sobrang worried na, humina pa milk supply ko kasi stress na stress na ako sa mga tao kasi palaging nagsasabi na maliit nga lo ko. Pero yung partner ko super supportive, binilhan ako milo, m2 drink, natalac and every food i like para hindi magutom and para maraming gatas. Minomonitor ko every month weight ni lo and pasok namn weight niya sa normal kaya ayun nawala worry ko. Lo ko ngayon 5 months, hindi pa rin chubby tingnan pero mabigat na. Napaka active na bata and na meet naman niya every developmental milestones for her age. Ok lang yan mommy, iba iba nman ang baby. Baka kasi nasa genes niyo na maliit kaya ganyan lo niyo. Just continue breastfeeding kasi the best pa rin gatas ng ina. Continue to monitor na lang weight niya and as long as pasok sa normal, ok na ok po. Wag pa stress sa sinasabi ng iba kasi ikaw nman nanay. Cherish your time with your baby kasi ang bilis ng panahon po, d natin namamalayan baby natin malaki na. Fight mommy, kaya mo yan.

Magbasa pa
5y ago

Yes mommy dapt monitor every month ang weight para alam mo na hindi underweight si baby.