Ask the Expert: Paano malalaman if expired na ang breastmilk ko? (Proper Breastmilk Storage Guide)

Hello everyone! Here's another Ask the Expert session on Breastfeeding & Lactation, specifically Proper Breastmilk Storage Guide! I am Tin Cervantes, a Certified Breastfeeding Counselor and Owner of Yokabed - Home of Lactating Moms. Kasama ang team ng theAsianparent, matutulungan ko kayong mga Lactating Mommies sa inyong breastfeeding journey sa pamamagitan ng pagsagot sa inyong questions around how to do proper breastmilk storage, paano malalaman if okay pa or if expired na para lang breastmilk, ano lang tamang temperature to keep breastmilk fresh, sa ref ba ilalagay lang breastmilk or sa freezer dapat? Tara! Join me dito sa Q&A session, at i-comment ninyo ang inyong mga katanungan o questions related sa breastfeeding o lactation sa comment section below. Topic: Proper Breastmilk Storage Guide - Paano malalaman kung expired na ang Breastmilk ko?

Ask the Expert: Paano malalaman if expired na ang breastmilk ko? (Proper Breastmilk Storage Guide)
43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ms Tin, question po, kunwari nagthaw ako ng breastmilk, pinainum kay baby tapos may tira pa siya, pwede ko ba ulit ifreezer yun for consumption later? Weaning po kasi kami from direct latch, hindi pa siya sanay sa bottlefeeding. kaya laging may tira, nanghihinayang po ako itapon pero paranoid akong ipainom sa kanya yung tira niya

Magbasa pa
2y ago

Hi Mommy, kung di na malamig lalo na at same container wag na po ibalik sa ref or freezer. 4 hrs na lang ang span ng breastmilk in room temp once thawed na. wag maglabas ng marami., sapat na ang 2-3oz per feeding or 30-45ml per hour para si masayang. kung frozen naman at sobra sa isang bag, pwde mo maintain sa ref lang ang sobra at ilabas lang ang kailangan ni baby na amount, from freezer to ref kahit thaw na tatagal yan ng 12-24hrs , kapag nailabas naman 4hrs naman ang breastmilk.