Enlighten me pls. 6months na si baby nung 27, nagsimula sya kumain ng solid which is patatas or cerelac last week pa. Nung nakaraang gabi pinainom namin sya ng tubig, di naman madami mga 5tbsp sya then after an hour tinubuan sya ng mga rashes sa paa, mapupula at parang insect bites at mabilis dumami. Kinabukasan pinacheckup ko agad sa pedia, sabi insect bites daw kaya niresetahan ng calmoseptine. Last night, after feed pinainom ko ulit sya ng tubig, ganon pa rin naka 5tbsp sya pero after 30mins ubo na sya ng ubo, yung mahabang pagubo na nahihirapan huminga saka umiiyak na si baby which means nahihirapan na sya, buti na lang sinuka nya yung kinain nya including tubig, don na kami nagsuspetsa na baka sa tubig nagreact yung katawan nya. I researched yung water intoxication at sobrang nagworry ako. Im a ftm, wala kaming kasamang biyenan or relatives, at halos ako ang nagaalaga kay baby buong araw kasi nagtatrabaho asawa ko. I took the blame for not knowing anyting when it comes to raising a baby, at sinisi din ako ng asawa ko. ? I feel so bad, this week twice na namin sya pinacheckup dahil sa ubo at sipon saka sa rashes kahit gipit nangungutang kami mapacheck lang sya sa pedia nya, ngayon di ko sure kung okay na ba si baby talaga. Dumedede at kumakain naman na sya ng maayos, pero iritable parin at matamlay. Absolute yung tubig. Wala akong mapagsabihan ng bigat na nararamdaman ko.