Thank God..

Edd:nov 22 Dob:nov 6 Mga mommies share ko lang po experience ko.. Nov 5.. 12 ng gabi umihi ako then pagkatapos kung umihi biglang may basa na umagos sa panty ko so chineck ko kung ano un.. Pag check ko may kunting blood so sinabi ko kay mister ko... Sabi nya sure ka? Nagtaka xia kc expect nya mga 2nd or 3rd week pa if ever lalabas na c baby.. So ayun na nga pumunta na kami sa lying in kung saan dapat ako manganganak inIE ako 1cm pero leaking bow na ko kaya nirefer na lang ako na sa hoapital na kami pumunta kc baka madry labour daw ako... So punta kami sa nearest na hospital... At no sign of labour pa ko...kaya hindi ako nagpapanic... Pagdating namin sa hospital IE ulit still 1cm pero leaking bow...at breech daw c baby.. Sabi ko breech??paano nangyari un ie sa ultrasound ko naman po ang sabi nakapwesto na po xia?? After few minutes ang sabi for cs daw ako kc breech daw c baby... Naka sched na ng 6am nov 6... 6am na IE ulit still at 1cm kaya waiting for operation na.. Kinausap ko c baby... Nagdasal na sana wag macs.. 6:30 nakapwesto daw na c baby... So induce labour na ko... 7:32 nov 6 baby is out... Welcome baby girl ko.. Wendy Beatrice 😊😊😊 #theasianparentph

Thank God..
46 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats po. Same po tayo ng EDD pero until now paunti unting blood lang nalabas sakin. Galing ako sa ob kahapon pero sabi ng ob, close pa ang cervix ko so naglakad lakad pa ko kahapon at kanina saka niresetahan ako ng primrose oil. Sa Sunday pa ko pinababalik kung wala pa rin paghilab. Ngayon, nasakit lang balakang ko saka puson pero matagal ang interval nya. Di rin masakit ang tyan ko. Any advice?

Magbasa pa
5y ago

ohh atleast nakaraos na kayo... congrats din...😊