My God's Gift Bby Boy 🥰

EDD Trans V - Oct 29 Second Ultrasound - Oct 27 EDD Via CAS - Oct 7 Last Ultrasound - Nov. 1 Date of delivery: October18,2020 Term: 38 weeks and 3 days Weight: 2.3 kg due to pregnancy complication on my last trimester Height: 50 cm Head Circumference: 31 cm 10hrs of Labor / 2hrs on Delivery Room Delivered via Normal Delivery At Mother Dear Lying in Clinic On my last trimester dun pa tumaas yung blood pressure ko, last 3 check up ko nag 150/110 ang bp ko nabahala OB ko kasi sobrang taas ng bp compare sa bp ko na 100/80 sa mga previous check up ko sa kanya, so pinag istay niya ako sa clinic pinabili niya si dhida ng gamot pang High Blood na methyldopa 2tablet every 8hrs ang inom at monitor BP everyday and pang palakas ng baga ni baby kasi mag 37 weeks palang kami nun para daw kung sakaling biglang lalabas si baby ready na ang lungs niya 2 shots yun, Tinapat na ko ng OB na pag ganun daw kailangan ng ilabas agad si bby dahil mas delikado para sa amin dalawa pag tumagal pa siya loob, may posibilities daw na hindi na lumaki o humintong ng lumaki sa loob ko si bby at baka mahumiwalay na yung placenta kay bby, At pwede daw ako mag seizure anytime at worst case senario pwede isa sa amin o dalawa kami ang mawala 💔. At pag hindi daw bumababa BP ko kailangan ko na iaddmit sa ospital and maaaring ma emergency CS na ko. October 15 Last check up ko sakanya gusto niya na ko induce dahil taas baba ang BP ko but close cervix pa ko and makapal pa, binigyan niya ko ng Evening Primrose pangpanis ng cervix. Kada uwi ko galing check up para kong lutang wala ako sa sarili hindi nag sink in sakin lahat ng mga sinasabi ng OB, sa mga panahon na yon isa lang alam kong pwedeng gawin magdasal at isurrender sa Panginoon lahat. Tinanggap ko na pwede ako maCS anytime during labor ko but hindi ako nag give up na panghawakan na ang Panginoon ang may control ng lahat. Kinabukasan October 16 nag start na ko umiinom ng Evening Primrose 3x a day, Vitamins and Methyldopa, nag start na din ako maglakad lakad sa umaga. October 17 birthday ni mama busy kami pero naka morning walk pa din ako ng 30mns inom pa din ng mga dapat ininumin, kinahapunan pag ligo ko meron na konh white jelly discharge saya ko nun kasi alam ko umeepekto ang primrose sakin. Bago ako matulog nakaramdam ako na parang bumaba yung ulo ni bby sa puson ko medjo masakit pero nawala din nakatulog pa ko nun October 18 2:30 am bumaba ako para umihi pag punas ko may white jelly discharge ulit pero this time may spot na blood tinawag ko agad si dhida para matignan niya sabi ko baka mag start na ko mag labor any time dahil nasakit na din puson ko, pag akyat namin nag start na ang contraction tumatagal ng 1mns kada 10mns - 5mns, tinanong ako ni dhida kung ano nangyayare sakin sabi ko sumasakit na matulog ka na muna malayo pa to dahil di pa ganun kasakit gigisingin na lang kita pag di ko na kaya. Hindi na ko nakatulog dahil inoorasan ko na ang contraction at pinapakiramdaman ko ang sarili ko, hanggang sa patindi na ng patindi ang sakin na nakatuwad na ko every time hihilab ginising ko na si dhida ng mga 5:30am nag patimpla pa ko ng gatas dahil nagugutom ako haha 😂 6:00am pinakuha ko saknya yung mga maternity bag and baby bag dito sa bahay dahil andun kami sa kabilang bahay. Pag balik niya sumugod na kami sa lumang lying in grabe dasal ko nun sana tuloy tuloy na at normal ang bp ko, pag ie sakin sa lying in 5cm dilated na ko, 80% effaced and engaged na din ulo ni baby, BP 130/90. Ang saya ko kahit di na maipinta mukha ko tuwing hihilab. Pinapunta na kami sa bagong lying in kung san ako manganganak. Pag IE sakin dun 8:30am 6-7cm na ko 140/90 bp, 9:30am 8-9cm na ko 130/90 bp. Ang saya dahil tuloy tuloy pag dilate ng cervix ko and normal ang BP ko kahit sobrang namimilipit na ko sa sakit at gusto ko ng saktan ni dhida 😂 10:30am nasa deliver room na ko at dumating na ang OB pag IE sakin fully dilated na ko pero medjo mataas pa si bby kaya tinurukan ako ng buscupan, niwan ako ng OB dahil may sunod na aanak pa sakin at may mga for check up siya, todo hilab na, sobrang sakit na at di ko na kaya 🤣 Pag balik ng OB after 1hour, ready na para umire, isang oras na irihan pero sobrang chill lang habang nasa, nakikinig pa ko ng kwentuhan ng midwife at OB habang umiire haha 😂 At 12:27nn baby's out na Pagpatong ni bby sa akin sobrang sobrang saya ko napa thank you Lord ako at tinignan ko si bby at pinatulog na nila ako. Sabi ng OB kaya maliit si bby dahil nga daw nag high blood ako. Thanks to God and kay Bby na lumabas na agad 🥰 This is the living testemony how God works in our life, His Love, mercy, power and promises. Ps. Hindi ako nakapaglakad everyday una dahil tamad ako haha pangalawa, takot akong lumabas due to pandemic and lastly ilang beses akong kinabahan na baka lumabas siya ng maaga dahil nararamadaman ko simula nung nag 7mos ako. - naka inom ako pineapple juice mga 4can pero para yun sa highblood ko di ako sure kung nakatulong ba yun - Evening Primrose naka 2days lang akong inom 3x a day wala akong na insert sa pempem ko lahat oral intake - active kami pag DO kay LIP kahit na kabuwanan ko - Ito ang pinaka Effective sa lahat PRAYER AND PAGKAUSAP LAGI KAY BBY lagi lang ako nag pray tuwing bago matulog para sa normal, fast and easy delivery and kausap kay bby na pag gusto niya lumabas labas na siya agad and maging si LIP kinakausap siya na lumabas na siya at nakinih naman ito na lumabas ng OCT. 18 hehehe Sorry sobrang Haba 😂🤗 #firstbaby #pregnancy #theasianparentph #1stimemom #FTM

My God's Gift Bby Boy 🥰
22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

37 weeks and 5 days na ako 4 times na rin may lumalabas sa akin na discharge parang sipon,pinapakiramdaman ko na sarili ko,sana manganak na ako..

4y ago

pray lang mommy, and kausapin si LO God bless po

I testify prayers is the most powerful tool lalo na sa mga momshies na manganganak na.. salamat sa inspiration ❤️

awww mommy,congrats! God is good talaga! thanks God for your safe delivery! 😀😊🙏

Super Mum

Wow congratulations mommy! Hello to your baby boy ❤️❤️❤️

To god be the glory, congrats

congrats po. God is good 😊

congrats po mommy! ❤️

congrats mami 🎉🎉

congrats po mommy 😊

Congratulations 🎉❣️