EDD: October 16
DOB: October 2
2.8kgs
Normal delivery🥰
Dati pangarap ko lang makapag share ng birth story ko dito ngayon heto na natupad na rin.
35weeks pa lang sobrang sakit na ng balakang ko. Akala ko mapapaaga ang labas ni baby kaya nagpunta agad ako sa midwife. Pag IE nya sa akin close cervix pa naman daw ako pero pag hawak nya sa tiyan ko sabi nya may hilab na nga daw. September 29 last check up ko sa ob ko, sabi nya ok na daw lahat nakaposisyon na tlga si baby. Anytime pwede na syang lumabas. Pero pag October 16 di pa sya lumalabas balik daw ako sa kanya. Niresetahan na rin nya ako ng primrose, 3x a day ko daw iinumin. Hanggang sa umabot ako ng eksaktong 38weeks. October 1, nagstart na ako mag squat pero 36weeks pa lang ako naglalakad lakad na kami ng asawa ko. Ang dami kong nakain nung araw na un. Matagal ko ng gusto ng balut kaya nagpabili ako ng tatlo. Un ang mineryenda ko. Tapos kumain pa ako ng kanin sa gabi. After kumain ng dinner uminum ako ng salabat. Hapon pa lang nakakaramdam na ako ng pananakit ng puson kaya sabi ko sa asawa ko baka bukas manganak na ako. Nung matutulog na ako, kinausap ko si baby sabi ko pwede na sya lumabas kung pwede labas na sya bukas hehe. Natatakot kasi ako ma-over due kasi ayoko ma-CS. Napaka hirap ng sitwasyon sa ospital ngayon. Kaya nag pray din ako kay God na sana lumabas na si baby ng safe at healthy. Bandang 3:30am nagising ako para umihi. Then balik agad sa kama. 3:40am nakaramdam ako ng may lumabas sa sa akin na maraming tubig. Tapos biglang sakit ng puson ko. Nung nawala ung sakit, nagpunta ulit ako ng CR pag tingin ko sa panty ko may malagkit na puti puti. Ginising ko agad ang asawa ko sabi ko manganganak na ata ako. 4:30am nasa lying-inn na kami. Pag IE sa akin ng midwife, close cervix pa daw. Akala ko tlga pumutok na panubigan ko pero sabi ng midwife hindi pa naman daw sumilim lng pala ung unang lumabas sa akin. Kaya daw nagkakasumilim kasi kakainum ng malamig. Ang hilig ko pa naman sa malamig na tubig nung buntis ako. Kada hihilab ang tiyan ko sabi nya iire ko lng daw. Hanggang sa maging 7cm na ako. Simula nung magbuntis ako constipated na talaga ako. Ito ang pinaka problema ko sa lahat. Hindi ko akalain na ito pa rin ang magpapahirap sa akin nung nanganganak na ako. Dahil ilang weeks na akong hindi nadudumi ng maayos nahihirapan daw lumabas ang ulo ng baby kaya nagdecide na ang midwife na lagyan ako ng suppository. Ayun nga ilang minuto lang lumipas nadumi na ako. Hindi si baby ang nagpahirap sa akin kundi ang aking dumi.😅 Kaya ung iba jan na buntis na constipated din hanggat maaga, dapat malunasan na. 10:05am lumabas din si baby. Kinakabahan pa ako kasi hindi sya agad umiyak pero nung narinig ko na ang iyak nya, napaiyak na rin ako at napa Thank you Lord na lang. Tanggal lahat ng sakit ng paglelabor nung makita ko na sya. Ang sarap pala sa feeling pag nakaraos na. Hindi ako binigo ni baby at ng Diyos. Nagbunga rin ang araw-araw na pagkausap ko sa kanila.
P.S. malaking tulong din na lumapit ako kay Saint Raymond Nonnatus ang santo ng mga buntis at manganganak.
#firstbaby #1stimemom #theasianparentph
Glenna Macabansag