share may experience

Hi i want to share my experience. October 8 due date ko sabi ng ob ko pwede pa daw abutin hanggang october 22 kasi first baby pero nung sept 23 nag start na sumakit yung balakang ko tapos may lumabas ng blood sakin. Tapos sabi pa ng MIL ko wala daw yun nag babawas lang kasi kaka IE ko lang kaya nag labas ng blood pero syempre ako hindi ako mapanatag nag tanong tanong ako sa mga friend kong mommy na rin sabi nila anytime manganganak nako kaya ginawa ko nag pasama ako sa cousin ko sa ob ko para mag pacheck tapos sabi 1cm nako kaso hindi pa active labor kaya pinauwi muna ako. Then september 24 sumasakit sakit parin sya kaso ganun parin yung sakit nya tapos mga 6pm nag pa ultrasound kami sabi makapal pa daw cervix mga 2cm palang daw ako. Then september 25 4am dun na nag start yung sobrang sakit na halos sunod sunod mawawala tapos sasakit ulit nag text kagad ako sa ob ko kaso 8:30 na nya nabasa. Pag punta ko sa ob ko sabi 4cm nako hanggang mga 11:00 naging 8cm hindi ko na mapigilan talaga sobrang sakit na kaya inire ko ng inire 11:36am lumabas si baby boy ko mabuti napaaga labas nya kasi sabi sabog na daw yung inunan ko kaya thanks God ngayon 4days old na si baby

share may experience
98 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Wow congrats mommy! Ano po ginawa neyo para advance si baby lalabas? Sakin kasi mag 38 weeks na pero taas pa din ng tiyan ko. Lakad naman ako ng lakad. Gusto ko na din makaraos.

5y ago

Kausapin mo mamsh

October 4 daw due ko sabi sa OB pero dito sa app October 8 pagdating naman sa utz October 25. Hays ano ba talaga dapat ko sundin πŸ˜žπŸ˜…

5y ago

Hahaha yan din tanung ko sa sarili ko kada ultrasound ko iba edd ko iba din lmp ko dko tuloy alam if kelan talaga

Same tayo ng due date. Pero no signs of labor pa rin ako. Ie ko tom hopefully bukas na cervix ko kahit 1cm. Any advice po? Ftm po ako

5y ago

Thanks po. Lagi ko po kinakausap tsaka lagi din naman po ako nagppray.

Congratulations sa inyo ni Baby Boy Pwede malaman magkano inabot Momsh? Public or private hospital?

Wow! At least hindi ka na-CS. Natural birth at hindi induced. Sana makayanan ko rin yan. Now at 31 weeks!

5y ago

Kaya mo yan mommy pray lang po kay lord

So ilang weeks ka pa lang nun momsh nung nailabas mo si baby? Btw congrats po at ok naman si baby

Hello po mommy, congratulationsπŸ™‚ di ka naman po ba nagpapahilot pr nagpahilot sa tyan?

5y ago

Napaaga po ata iri mo. Minsan kasi pag di pa crowning mababa pa cm iniire na kasi masakit yun gusto na mairaos, pero maaga pa. May tamang timing kasi. Pero good thing safe si baby.😊

Congrats sana lahat. Lumabas na din si lo 38 weeks and 4 days no sign. of labor

VIP Member

congrats sis. Ganyan tlga madami tayong sacrifices and pain 🀣

Congrats pu sna aq din edd q oct. 12 sna mka pangnk n din