Ask lang po

Ask lang po di kasi ko sure kung buntis ako. 6months po ako hindi nagkaron then nung nagpacheck up ako sabi ni OB Hormonal imbalance lang daw kasi laki daw tinaba ko. Niresetahan nya ko ng pamparegla last September nagkaron naman ako. Tapos October 11 last mens ko. October 20 nagdo kami. Nagpt ako last November 15 kasi delay ako tsaka nagpamedical ako nun for work purpose di kasi pwedeng magxray kapag buntis. Negative naman kaso di pa ko nagkakaron until now. Nadalas din sakit ng puson ko lately. Thankyou po.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis, ganiyan nangyari sa'kin hormonal imbalance. Yung period ko kasi every 18-20 days meron na ako. After ko mag take ng meds, back to 28-30 days cycle yung mens ko and after 2 months of taking the meds nabuntis ako. Tapos sa lahat ng PT ko negative, siguro dahil sa meds na tinake ko noon, naka 4 PT ako, 3 negative, 1 with blurred lines. Try mo punta kay OB para ma-TVS ka. :-) Nung na TVS ako doon ko lang na confirm noon na 8 weeks preggy na ako. :-)

Magbasa pa