My Labor Journey

Edd: Oct 6,2020 DOB: Sept 30, 2020 Via Normal delivery Week 38 first IE ko kay ob and 1cm na ako by this week so akala ko by 38week of pregnancy manganganak na ako excited as FTM every day umiinom ako ng chuckie and eveprim rose day and night but mali ako dumating ang 39 week of pregnancy ko IE ulit ako 2cm palang ang buka ng cervix ko sabi ni ob makapal daw ang cervix ko kaya inom nanaman ako within a week ng primrose sabi ko "ok po doc" ang di alam ni doc pinagsabay sabay ko inomin at iinsert sa pwerta ko ung primrose as in 2caps iinomin ko tapos 2caps lagay ko sa pwerta ko nagduty pa ako nun pag ka monday, sumasayaw pa ako pagkatapos ng flag ceremony namin, yung mga kasama ko sa trabaho ang natatakot sa akin pero ako keribels lang at energetic pa ako nyan kasi wala pa naman akong nararamdaman na masakit so ayun pagkahapon sabi ko maglalakad ako galing sa work place ko until sa bahay namin and take note yung bag ko parang may malaking bato kasi ang bigat but naglakad pa rin ako. nangyari po eto monday pagka tuesday dahil nga skeletal na ang work so nasa bahay lang ako ginawa ko lang is naglaga ako ng luya na may kasamang paminta tapos squat ako ng squat hanggang sa mapagod ako until afternoon na kumain pa ako ng marami tapos punta na ako ng cr para mag poop 3 times ako nag poop tapos nahiga na ako by 8pm sumasakit na yung tyan ko in which binibilangan ko na nung nag 5min interval na sabi ko sa kapatid ko punta na kmi hospital pagdating namin dun ie ako ng midwife 2cm pa daw at malayo pa so advice niya uwi muna kami so umuwi muna kami ng kapatid ko. ung mama ko sa pangasinan natataranta nah so tinawagan yung asawa ko at pinapauwi sya ora mismo. at yun nga umuwi sya pagdating nya sa amin parang lalong sumakit yung tyan ko na diko maexplain everytime sasakit napapaungol nalang ako sa sakit. so ang ginawa ko everytime sasakit sinasabayan ko ng squat nung ika 8 squat ko na pumotok na panubigan ko at nagpadala na ako kay hubby sa hospital pagdating namin sa hospital mga midwives lang ang andun at walang ob na naka duty ang tataray ng mga midwive sa public hospital po eto. ie ulit nila ako 6cm na ako by this time pinahiga nila ako tapos sabi ng midwive higa patakilid sa may left side ko so ako sumunod nalang ako habang ginagawa ko yun umiiyak ako sa sakit umungol ako sa sakit at di nila ako pinapansin wag daw ako eeri kasi mamaga daw yung pwerta ko at baka daw ipasa nila ako sa ibang hospital kaya sumunod ako hanggang sa si baby na talaga ang gusto lumabas tinatawag ko sila sinasabi ko na lalabas na si baby di nila ako pinapansin pinapagalitan pa ako kasi ang ingay ko daw yung mag sasalita sila pabalang sayo para matakot ka sa kanila hanggang sinabi ng isa tayo daw ako punta na kami sa delivery room pinaglakd talaga ako kahit sinasabi kong di ko na kaya at yung pagkahiga sabi ulit nila wag muna daw akong eeri ang dami pa nilang sinasabi nag uusap pa sila. bigla akong sumigaw "lalabas na pagtingin ulit nila sa akin lumabas na ulo ni baby buti may midwive na malapit sa akin at nahawakan ang ulo ni baby. everytime naaalala ko yung nangyari hindi ko maiwasan mapa what if. what if walang midwive malapit sa akin buhay kaya si baby ngayun? what if pinigilan kung umire buhay kaya si baby ngayun? mga what if na labis kung ipinagpapasalamat na hindi nangyari sa akin ngunit naninindig ang balahibo ko everytime maalala ko. kaya sa mga manganganak palang kung kaya nyo rin lang mag private dun nalang kayu manganak yung maasikaso kayu at hindi binabasta basta tayung mga buntis kasi buhay ang dinadala natin. ##1stimemom #firstbaby

59 Replies

u should file case against them....buhay ang nkasalalay..kung mkaarte cla kla mo d binabayaran.tsk

VIP Member

congrats mommy.. buti at safe kayo.. Infairness ang cute ni baby ha parang may lahi..

Cute naman ni baby , mukhang foreigner. Congrats momsh! Kainis yong midwife pero thank God at safe kayo ni baby.

congratulations sis ❤️... may mga tao talagang walang pakialam sa iba. May balik din ang Diyos sa kanila.

di naman sanagdadasal ako ng ganan momsh pero kung andun ka momsh baka nga ipagdasal talaga yan ng makarinig

Congrats po! mas maganda pa sa lying-in kung di k din lng high-risk, aasikasuhin k talaga nila.

may lahi si baby tangos ng ilong congrats.. foreigner siguro asawa nu mums...

opo pakistani po si hubby 💛💛

Bakit ka raw naiyak? Alanganin namang tumawa ka. Kaengot namang tanong yan.

hahaha oo nga po eh

VIP Member

Ang cute nman ng baby mo.momsh🥰🥰😘..tangus ilong🥰😘

oo nga po eh 😁😁😁

VIP Member

Congrats momsh, ang tangos ng ilong ni baby. Ang ganda 🥰

thank u po mana po sa papa niya 😄

grabeh tlga pag sa public... by the way congrats momsh

oo ng po eh thank u po

Trending na Tanong