Meet my twins ☺️☺️

EDD : Oct. 27 2020 DOB : Oct. 24 2020 TOB : 12:16am and 12:26am 39weeks and 3days ZYRONE JOHN and ZYRUS CLYDE 2.6kg and 2.5kg Via CS Gusto ko lang din po ishare experience ko. Oct. 23 ng madaling araw around 6am naka ramdam na ku ng pananakit ng puson at balakang, nawawala at bumabalik siya every 3mins. Mag isa lang ako noon sa bahay kaya tiniis at itinulog ko muna, kaso kapag bumabalik yung sakit talagang napapa gising ako. Chinat ko na asawa ko noon na umuwi siya ng maaga galing work dahil sbi ko ramdam ko na na lalabas na ang kambal ko. Mga bandang 11am naka uwi na asawa ko, dali dali naman ako naligo. Mga alas 2 nakarating na kame ng hospital, drtso ER. ini IE ako pero di ko alam kung ilang CM na ako, andun parin yung pain ng puson ko. Mga alas 3 sabi ng doctor pang anim pa daw ako sa ooperahan, natakot ako kase nasa isip ko baka di na maka pag antay mga baby ko pero umoO nalang ako at tiniis ang sakit at wag iire. Alas 5 admit na ko. Habang naka higa sa hospital bed ramdam ko na talaga yung sobrang sakit ng puson at balakang at napapa kapit nalang ako sa gilid ng higaan ko para ipigil ang pag ire. Tiniis ko hanggang dumating yung oras ng operasyon ko alas 11 ng gabi. Nung pinasok na ko sa OR sobrang takot ko at sa dasal nalang ako kumapit na sana maayos silang mailabas at walang magiging problema saaming 3. Pinilit kung gising para marinig ang unang iyak nila kaso nagising nalang ako na binibihisan na. Pag labas ng OR andun asawa ko at tinanung kung kamusta ang mga bata at masayang sumagot siya na maayos ang mga baby boy ko. Worth it yung pain nang makita ko na sila na ang liliit 😚😚.Sa ngayon mag iisang buwan na sila at ini enjoy ang pang pupuyat samin ng kanilang ama. THANKYOU sa pag tatyagang pag babasa, 1st time ko mag share kaya mahaba at maraming paliguy ligoy #firstbaby #theasianparentph #1stimemom

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles