BIRTH STORY

EDD (LMP): July 9, 10 EDD (UTZ): June 26, July 7, July 11 DOB: June 29 NSD 3.7 kilos Hello mga ma! Gusto ko lang i-share yung birth story ng baby ko. 1st utz ni baby is June 26. Nagtataka kami kasi supposedly 12-13 weeks palang siya via LMP pero ang lumabas sa utz is 14 weeks na. Naka-ilang palit ako ng OB kaya paiba iba yung EDD ko. And then, last June 28 around 11:30 pm nagising ako to pee. Pag tingin ko sa bowl may dugo na. Maya't maya umiihi ako at nagtatae na rin ako. Hanggang sa naglabor na ko pero hindi pumutok panubigan ko. Around 7am pumunta na kami sa lying in. Ininduce ako at sobrang sakit pala talaga yung labor. Mga bandang 12 ng tanghali naramdaman ko ng parang natatae na ko. Ang tagal pa rin lumabas ni baby. Yun pala cord coil siya. Minomonitor ng midwife yung heartbeat ni baby at bumababa nga daw. Todo dasal na ko na sana kayanin namin ni baby kasi wala talaga kaming budget para sa CS at sa ospital. Buti nalang magagaling yung mga midwife. Tinulungan nila ako magpush. Dinaganan yung tyan ko hanggang sa makalabas na si baby. 12:31 baby out. Nakakain na rin pala ng pupu si baby sa loob kaya after niya lumabas nag-antibiotic siya pero thank God dahil nakaraos kami at walang nangyari. Nung narinig ko yung iyak niya pag labas napa-thank God ako. Ang haba ng tahi ko dahil ang laki niya pala. Nagdiet ako nung mga 7mos. preggy pa ko pero di ko akalain na ganun pa rin siya kalaki paglabas. Todo dasal lang talaga at laging kausap si baby na sana NSD dahil walang budget at mahirap ma-CS. Buti mabait si baby. Ayun lang mga mamsh. Sa mga preggy out there, kaya niyo yan. Tiwala lang kay baby at kay God na makakaraos din kayo. Sa mga FTM na gaya ko, mahirap dahil nangangapa pa tayo pero gagawin natin lahat para kay baby. Walang katulad ng mga nanay. ❀️

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

wow..congrats mommy at yes..ang laki ni baby..hehe