Meet my baby boy

EDD: january 8 2020 DOB: December 5 2019 One week na ko nagrereklamo na sumasakit ng sobra yung tiyan ko pero di pa din ako nagpa check up kasi baka normal lang since 8 months na ko baka malakas lang gumalaw si baby. Then after a week puson naman na sumakit sakin. 3 times nanakit as in sobrang sakit mas malala pa sa nagka rregla. Di ko pa din un pinansin until nag gabi 11pm nanakit pa ti balakang at likod ko as in di ako mapakali sa sakit. Yun na ung sinugod ako sa ospital. In IE ako ang sabi 2-3cm na raw ako pero matigas pa rin naman daw. Hanggang sa dinala ako sa Operating Room ng 2am. Buong araw ako nakahiga lang at sobrang sakit talaga ng puson at tiyan hanggang balakang at likod ko. Hanggang sa nag 6pm bigla ako nilagyan ng parang gel sa likod. Un pala i C CS na ko bigla. Habang sini CS wala akong ginawa kundi mag dasal dahil tumataas ng tunataas BP ko sa sobrang nerbyos. Hanggang sa narinig ko na iyak ng baby ko medyo nakahinga na ko ng maluwag nun. Di ko manlang sya nahawakan dahil talagang nanginginig katawan ko at sobrang hilo dahil sa bp ko. Kaya napa aga ang panganganak ko is dahil sa Diabetes ko and stress. Naging diabetic ako since nung nag buntis ako. 8 months ko na nung nalaman 2 weeks before ako manganak. Nag iinsulin na rin ako. Pero Thank God! Hindi na kinailangan i incubator si baby dahil healthy naman daw sya at okay na okay na ang lungs nya and 3 kilos na agad sya. And isa pang Thank God dahil nawala diabetes ko :) MAAGANG PAMASKO SI BABY PARA SAKIN ?

33 Replies

Same tayo sis nag insulin din ako pero di ako diabetics which is normal lang sa buntis ang mataas na sugar daw. Congrats buti kapa 3kgs baby mo sakin kasi 2.3 lang kasi nag start ako ng insulin 7 months pa lang at natigil ng malapit ng akong manganak. Nakakaliit daw po kasi ng baby ang nag iinsulin

More or less 150 ung sugar ko sis. Sa Tacano Hospital ako nagpa check up non kasi bawal na sa lying in first baby manganak. Ang sabi sakin mataas daw sugar ko kaya need ko daw mag insulin para di mapunta sa bata ung sugar. Kinailangan ko talaga mag insulin that time kasi hiningian ako ng clearance kung na control ko ba ung sugar ko. Everyday ako monitor ng sugar for 2 weeks for 2 or 3 times a day. Magastos siya kaya nong nabigyan na ako ng clearance tuloy pa din insulin ko at pina refer ako ng ibang hospital kasi level 1 lang daw sila dapat sa malaking hospital daw po ako para mamonitor sugar ko. Pag lipat ko ng amang rodriguez ng marikina ang sabi ng doctor sakin hindi daw mataas sugar ko bakit daw ako nag insulin. Ang nangyari pinatigil ako at nong nanganak ako maliit tuloy si baby 2.3kgs lang

same tayo due date, dec 9 din lumabas lo ko 💕 pumutok agad panubigan ko, may gestational diabetes din ako pero di ako nag insulin, proper diet lang. congrats to us mamsh! 💕

meron na po 1 cup na lang ako from bf to lunch then dinner half cup n lang po.

Kinabahan naman ako bigla.. may diabetes din ako at nag insulin na.. 15 weeks palang ako.. sana ok naman c god na bahala.. congrats po sa new blessing

Congrats momsh,, nakaraos ka din.. iba talaga ang ginhawa kahit marinig mo palang Yung iyak ng baby mo,

congratz. same tau my gdm hbng buntis pro nangank ako sobra 37wks, norml dlvry at 3kg din c baby :)

mataas ung ogtt q

congrats momsh! happy for you! Praise God ok kau. Masakit ba ung injection sa likod mo momsh?

ahh epidural bali pala ininject sau. grabe din inabot monsh. pero ok lng un kasi safe na kau parehas ni baby 🥰🥰🥰 thanks God ❤️🙏🏻

VIP Member

Congrtas po. Ako din diabetic even before mag buntis. 5months ako ngyong preggy

Hi momsh. Kamusta naman blood sugar mo habang buntis ka? Hnd ba elevated? Type2 here. 9weeks preggy. Nung una control ko naman kaso dis week tumaas na mga reading ko.

Congratulations mommy! Ang cute ng baby mo :) taba chingching 😍

Napaka cute po ! Palakas ka agad mamsh.God bless po :)

Wow congrats po mamsh! Ang healthy ni baby 😍

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles