Ectopic Pregnancy
Does anyone here experienced ectopic pregnancy? Nagpa surgery ba kayo agad or sumama nalang sya sa menstruation ? without pain kasi kaya still waiting for the symptoms.
Me na try ko po sa first baby ko. Last year. Naka ramdam nlng ako bigla ng pananakit ng tagiliran. Puson. Tapos suka nlng ako ng suka hanggang sa manghina ako hanggang Yung suka ko naging Green na. Nung pumunta nako ng hospital yun Pala nalalason na ko Kaya agad akong niresetahan ng ob ko ng mga gamot na sandamakmak. And nalaman ko ndn na wala ng heart beat Yung baby ko.. Dapat po agad matanggal kc malalason ka po.
Magbasa padepnde po yan mamsh eh kasi po ako di ko po alam na ganun bigla nlang po sumakit yung puson ko na parang may lalabs sa pwerta ko yun pala pumutok na sya kaya pag dating po namin sa hospital inoperahan na po ako agad kasi kumakalat na po yung lason pero yung iba naman po nakukuha sa gamot
naka experience ako sis. last may 31 2019 ako na operahan kasi nag bleeding na ako ehh . tas nag sakit na nang pus.on ko kaya pinutol yung left fallopian tube ko .akala ko nga noon ehj hindi na ako mabuntis pero God is good. na buntis ako ulit and its 12weeks already :)
Ako sis operation CS 1mon ako dinugo nun masakit ang puson .. mas better po pacheck up ka sa.ob para malaman kung nasan si baby tumubo ..delikado po kasi pag pumutok pwede ka mategi ..
Sis ako din ectopic pregnancy. With bleeding ako for 2weeks. Unang OB ko advice nia operation pero ung current OB ko for injection ako ng Methotrexate. Mas okay kung magpaconsult ka sa OB.
sis gaano po kalaki ung sainyo??
Kapag early pa, makukuha siya sa gamot. But if medyo malaki na, surgery talaga asap kasi may risk na pumutok at mag internal bleeding. Iv had ectopic twice. One surgery, one gamot lang.
sis kamusta nung na ectopic ka
I had an operation na 😭😭. Thank you mga momsh ngayun lang nakabalik sa group 😭😭. Ndi pa kaya emotionally . Thanks
ilang weeks mo po nalaman ? Wala ka bang symptoms na na feel ? or ilang weeks/months mo na feel ug symptoms Ng ectopic ?
Mgpa check up na momsh and i follow nalg c ob. Kesa lumala. God bless ❤️
Please magpacheck ka sa OB mo ASAP kasi kapag pumutok yan mas delikado.
hoping for baby's heartbeat