Team April babyOut.

DoB. April 26 2.8kilo NSD with tahi? Hi mommy meet my Jhia Brianna? Sa wakas nka raos napo ako.. Sobrang sakit sobrang hirap pero kinaya para kay baby hehe. Share ko lang po. Hehe. 37weeks niresetahan nako ng primrose Actually 36weeks ng open na kc cervic ko 1 cm . So di ko papo pwede ilabas si baby di pa sya fullterm kaya pinag bedrest po muna ako nag pa ultrasound ako at okey naman si baby naka pwesto na rin sya. . Gang mag 37 weeks nako weekly check up ko na po start na ko sa primrose .38weeks 3cm . Zumba ,squat lakad lakad na rin ako. Kc nakakaramdam nako ng contraction Tas wla parin inip na ang lola nio. hahah nag insert na rin ako sa pwerta ng primrose humihilab sya tas sumasakit rin balakang ko kaso after 1-2hrs nawawala din po. Panay tigas lang tyan ko. 39weeks worry nako kc malapit n due ko e wla parin pag check up IE stock 3cm parin. Diko na alam gagawin konkase sobrang baba na po ng tyan ko at mababa din po matress ko so ramdam kopo kada siksik n baby na feeling ko gusto nya tlaga na lumabas.. So eto na 40 weeks na Basta matigas lang tyan ko tas konting contraction lang nawawala din. Ng txt ako sa OB ko private Lying in lang po ako sana aanak. Txt ako na baka pwede nako induced kc ayoko umabot sa 42weeks at ma emergency CS . Pumayag naman si ob. Kaso pa test muna ako dugo saka ihi tas NST.. pag ok daw result induced nako agad. Punta n kme sa ospital nag pa NST ako. Habang minomonitor s baby panay tanong sken si ate nurse kung nagalaw daw s baby sabi ko hndi na ninigas lang tyan ko.. . Nagalaw naman sya madalang. So ayon nga po natapos na nakuha kona result . Kakaalis ko palang ospital ng txt na si ob tinawag nadaw sa kanya result at di daw okey. .humihina daw po heartbeat ni baby base dun sa result. So indi ako pwede umanak sa lying in. Pwede naman daw ako induced pero sa ospital daw po kc kelangan mamonitor heartbeat n baby habang induce ako at kung sakali diko kayanin kompleto daw po gamit sa ospital. Nag cord coil din si baby. Sobrang takot ko napo umiiyak na rin ako kc una takot ako.ma cs at takot ako na baka mapano si baby.. nakapag disisyon kme mag asawa na go mag ospital na inadmit din ako nung araw na un kahit may uti ako etc sa result. Need ko umanak na kc baka mapano si baby kada hilab. 5pm admit nako. 6pm may tinusok na sa swero pam panipis cervix . May kinabit narin sa tyan ko. Nka oxygen na rin ako. Ie sken 3cm parin. Mga 7:30pm may inject sa swero ko nang labo paningin ko start na rin sumakit balakang ko humihilab na rin tyan ko. Na wla ako magawa kundi tiisin un saket. At mag dasal ng mag dasal kase humihilab na at si baby iniisip ko baka mapano so panay tanong ako sa nurse kung okey lang ba heartbeat n baby so far okey naman daw lakasan ko lang loob ko at wag basta basta iiri .. so kinakabaha po tlaga ako. 8pm putok panubigin ko pag ie saken 5cm grabe na un sakit as in sinusuntok ko pader Tas nasigaw din po ako sa sakit. Sabi ko diko na kaya un sakit pag IE sken 7cm na. Konte nalang kaso diko na kaya talaga un sken nakakaramdam nako na natatae pero di ako mka iri kc ntatakot ako na pag iri ko e mapano si baby na baka masakal sya.. sobrang pray po ginagawa ko kada hihilab nasigaw lang ako sa sakit. Gang diko na kaya pray muna at pag sigaw ko doc diko na kaya lalabas na si baby. Bigla ako hiniwaan pag iri ko 8:55pm finally. Jusko po ang sakit thak u lord nakuha sa isang iri si baby . Narinig ko iyak n baby nka hinga nako sabay tulo ng luha kahit diko pa nakikita si baby kc may harang sa may dibdib ko .. pero un iyak nya na napaka lakas sobrang napa thank u lord ako.?? Gang tinusok ako para mka tulog ako.. Si ate nurse pinicturan nya lang kme n baby hehe pero diko maalala kc tinurukan nako pam patulog Diko na naramdaman un pag tahi saken tulog napo ako hahha 2days kme sa ospital. Pag uwi lang namin ska ko mkasama si baby hehe monitor po kc si baby pero okey naman napo ngayon. ☺️ Sorry po ang haba ng kwento ?? Share ko lang kc safe kme parehas ni baby.. Kaya po pala di ako mka anak anak kc nasasakal po si baby kada hilab nya at na stock nako sa 3-cm. God bless po. God is good all the time?♥️?

48 Replies

VIP Member

Congrats po momshi. Hirap talaga manganak.. Ganyan din ako ng manganak ako nung April 2, dasal, at nilakasan ko Lang luob ko. Kagaya mo din ganun ginawa, 🤗🤗💕magiging OK ang Lahat after manganak Lahat NG tiis at sakit n naramdaman MO maiibsan pag OK c baby normal. Congrats momshi

Yes momsh mahirap pero kakayanin naten para sa kaligtasan ni baby.. Opo sarap sa paki ramdam pag naka labas na si baby hehe . Ingat always momshie God bless po..,💕🙏

At least mumsh naka kilay ka. Hehe. Joke. Ganyan din balak ko sa ka-buwanan ko. Sabi ko mag mmake up ako everyday para in case manganak ako ng biglaan, maayos parin itsura ko haha

Pdi nrin pla aq mgpa induce sis 2cm n aq at pwala Wala din ung hilab NG tiyan ko due date Kona KC now may01

wow! super powerfull tlaga ng prayers. congrats mam! aug duedate ko sana makaraos din ng normal. 😊

Congrats po 😍😇 sana ako rin makaraos na 37wks na po ako hilab2 lang tuwing madaling araw..

Thank u sis. Kaya mo yan relax ka lang lapit na yan lakad lakad at squat sis tiktok.pwede rin hehe..

Sana all ayos padin kilay kapag manganganak na sakin kase Pinapabura eyeliner ko 😂😂

Hahaha ano Ngarin kilay is life Kaso Hinde umuubra pagging kilay is life ko sa doctor at nurse pinapatanggal talagang Pilit Kaya Ang ending pag labas ni baby para Kong Narape nang Ilang lalake sa Sobrang hagard mo hahaha 😂😂

Ganyang ganyan ako s 2nd baby ko. Hope s 3rd baby ko Sana mabilis Lang pry Lang Kay god

Kinakabahan din ako . Fight fight lang ! Congrats po buti kapa nakaraos na 😊😊

Aug 17 pa naman po .😊

Congrats mamsh!🥰 Magkano po bill nyo private hospital po ba kayo nanganak?

Opo ung akala ko po 2k nalang sana babayaran ko sa lying in kase may philhealth naman eh mapapamahal pala hehe. Yes po totoo mamsh kaya pa kitain un pera hehe.. 100kplus daw po pag cs sa kanila sbrang pasalamat po at nainormal ko si baby. Un din sabi saken mga nurse buti daw po at kinaya ko normal..

anong mos po ba nlalaman kung na cord coil na si baby?

congrats momshie..Godbless sa inyo ni baby❣️

Trending na Tanong