1236 responses

Ako ang nagdidisiplina pero NO TO PALO. ⚠️Alam ko at alam ng anak ko na mali ang manakit, kahit ano pang dahilan. Hindi nakakatulong sa anak ko pag sinaktan siya kaya mas okay pag kalmado ang pag explain sa kanya kung bakit mali ang nagawa at ano ba ang tamang gawin at paano itama ang mali niya. 😌3yr 2mo old girl ang anak ko and she knows already how she should be treated because we show her how she deserves to be treated and that she deserves to be loved always.🤍 In turn, she loves tenderly too and is a gentle soul too. Gusto kong ikeep ang golden heart niya kasi mabait siyang bata.⭐ Ang daddy naman ng anak ko, gentle parent na medyo permissive. Walang gulo sa bahay at relasyon. Maayos ang lahat sa pamilya pag hindi gumagamit ng dahas at pananakot sa loob ng tahanan. Maraming paraan para makinig at mapagawa ng tamang gawain o asal ang mga bata. Hindi ako naniniwala na kailangang humantong sa sakitan o pagbuhatan ng kamay. Hindi ako perpektong magulang, nagkakamali din paminsan, pero alam ko at sinusubukan kong magdisiplina sa anak ko sa paraang may respeto at pagmamahal ako sa kanya. Kapag nagkakamali ako ng trato sa anak ko, humihingi ako ng pasensya, kaya ganun din siya pag may pagkakataon na siya naman ang mali. ✅Modelling is the best form of disciplining a child.✅
Magbasa paWe're both strict when necessary. Pero sa akin naglalambing si baby kapag napagsabihan/napagbawalan. We don't hit our kid, time out and usap lang. He's well behaved naman most of the time and we've learned ways to keep him from throwing tantrums (regular schedule helps so he doesn't get bored, hungry, too tired, overstimulated which are usual causes of tantrums among toddlers 😬)
Magbasa papero may tamang desiplina sa bata hndi mu kailangan paloin ang bata kc the more napapalo sila un din dw pgtigas ng ulo..mas ok ung ipapaliwanag ntin mga magulang ung mali nya at kung bkit ntin sya npapagalitan..
Disciplinarian din ako pero mas asawa ko. And I am not pro-palo. I believe mas effective pag kausapin ang bata at explain to her/him pag may nagawa siyang mali😊
mas madalas kasi na ako kasama ng anak ko.. kahit nagwowork ako.. medyo spoiled kc sya sa papa nya pero minsan nadidisiplina din sya pag sobra na
Gusto ng asawa ko, pinapalo. tinatakot. kasi gusto ko gentle parenting lang, kakausapin ng maayos at huwag sabayan ang anak mag tantrum.
mas mabait ang asawa ko sakin pero tyak kapag di ako umubra sa anak ko at siya ang nagdsiplina, maghahalo ang balay sa tinalupan 🤣
ako talaga .tinatakot ko lng ang anak ko..yong asawa ko kasi pinagbibigyan nya palagi anak namin sa lahat ng gusto nya...
Pro-palo but within reason and you need to talk to your child afterwards in why you had to do that.
kapag pinagsabihan na tapos hindi pa sumunod dapat making strict para matandaan niya.



