Hi i dont want to get my hopes up

Disclaimer lang: I will go to the Ob once mejo humupa na ang covid cases dito samin. In the meantime, stick to PTs muna ako. Siguro I am just looking for someone to tell me to stop taking PTs na. Kasi my friends, siyempre ayaw nila akong ma let down, so baka alam niyo yun finefeed lang nila imagination ko. So need ko ng straight up facts Last July 20 nag do kami. Had my period at aug 14. Lighter than usual pero nasa range pa rin ng moderate to heavy. So the optimistic side of me took pts every week since aug 14. Usual. Morning pee. Lahat negative. Until now 33CD na ko no period. But i feel the symptoms( or pinapaniwala ko lang?) This is now my 6th pt, still negative. Hindi pa kami ulit nag do since july 20. My friends say baka daw maaga pa. So feeling ko pinapagaan lang nila loob ko. But syempre, 57 days since nag do kami, negative pa rin. Can you give me some advice? Thank you.

Hi i dont want to get my hopes up
36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang tagal namin naghintay ng asawa ko simula nagsama kami di ako nabubuntis since 2013. Takot ako magpacheckup sa OB, nahihiya ko. Eversince chubby ako pero I'm thinking di kaya may PCOS ako? Then I decided na maglow carb diet not to have a baby but to reduce weight. Last year, I started last Feb. 1 month of doing that nadelay ako and found out na preggy pala ko at wala akong PCOS kaya lang I had miscarriage nung April 2019. Stop ung low carb diet ko at balik lamon ako. Then every after ng period ko from June nagttry ulit kami pero wala then I decided na ulit ipursue ung low carb diet kasi naggain ako ng weight on and off diet ko kasi nagwowork ako sa bpo. Oct. I started na seryosohin then I enrolled sa gym nag intermittent fasting pa ko kaya laki ng bawas na weight tapos nagtake ako ng folic acid for a month, fern-d siguro 2-3 bottles ata kami ng asawa ko, nag glutadrip din ako weekly kasi may study na nakakatulong sa fertility. Almost a month lang ako nakapaggym kasi nung Nov. sumakit ung lower left back ko then found out na nagkaron ako ng kidney stone kasi kulang sa fluid intake kaka diet. Then I wasn't advised to take any meds pero nirefer ako sa OB kasi sa CT scan they found a mass sa left ovary ko so paranoid ako nun pero before ako pumunta sa OB, delayed ako nagpt ako nun twice faint line ung 2nd line. Kaya nagpt ako after few days hanggang naka 7 pt na ko para sure na sure. Ayun buntis ako ulit nung Nov. 2019 then kakapanganak ko lang last month Aug. 2020. Still can't believe pa rin akala ko may diprensya ako siguro natatakpan lang ng taba ung ovary ko.

Magbasa pa
5y ago

Ikaw din sis! Try and try lang soon you'll have your own baby basta don't lose hope. Try mo rin yung mga tinry ko hehe. Ingat ka rin. 😊