Dinownload ko uli tong app dahil alam kong maraming makakaintindi saken kasi diko na kaya.
Makakapili ka talaga ng asawa pero hindi ka makakapili ng Biyenan. Fast forward ko nalang.. medyo mahaba..
Magjowa palang kami ng mister ko lahat na ng sahod bnbgay nya sa parents nya which is okay lang naman kaya ako yung nagastos samin dalawa.
Hanggang nabuntis na ko. Samin nakatira mister ko kasi iisang subd lang naman kami. Sa alfamart siya nagwwork sa kanto namin. Aba mga mamsh. 7AM palang ng kinsenas andyan na agad sa gate namin ung tatay nya. Nakaabang na sa sahod nya. Di na nahiya sa mama ko. Di man lang inisip na need na namin makaipon para kay Baby. Pero sige hinayaan ko nalang. Wala daw kasi silang makain. Dito naman kasi sa bahay libre na kami lahat. (Bait ng mama ko dba)
Iisang subd lang kami sa may group kami dito ng buy&sell. Aba nakkita namen mga comment ng nanay nya ang lakas umorder online. (Sobrang luho) ultimo panload sa amin inaasa. Tapos sasabihin wala silang makain. Samantalang bunso yung mister ko. 4 sila magkakapatid. Lahat yun nagbibigay sa kanila. 3 na silang pamilyado. Isa nasa abroad. Ung isa wala naman pamilya (lalaki din). Imagine, ang dme nagbbgay sa kanila pero nauubusan padin. Minsan nagrreklamo na sila kasi kakabigay lang e wala na agad. Fast forward...
Malapit na ko manganak, nag aabot pdin kahit ppano ung mister ko kahit resign na sya sa work at nagpapart time nalang. (Maige na din un pra di nila alam kelan magkakapera mister ko) Napagtatalunan na namin minsan magulang nya. Dahil kakahingi lang ngayon e sa isang araw ayan nanaman. Kaya sila bnbgyan kasi WALA DAW SILANG MAKAIN. Syempre mister ko e naaawa sa kanila.
Nanganak na ko. Emergency cs. Di sapat ipon namen kakahingi nila. 10k lang naitabi namin kasi akala ko rin normal ako. Halos sa side ng fam ko nagbayad ng bills (100k) nagbigay din naman sila ng 5k. KASO BABAYARAN PADIN NAMIN NG MISTER KO HAHAHAHAHAHA.
So eto na. Nakauwi na kami ni baby okay na ang lahat. Syempre need padin magipon pambinyag, diapers, gatas lahat lahat.. Di pdin sila natigil kakahingi. Dumating ung time na.. wala na pampers anak ko may kinita asawa ko ng 1k. Aba gusto hingin ung 500. Nabasa ko kasi sa chat nila. So di nako nakapagpigil. Kinausap ko na asawa ko tungkol dun. Ngayon lang ako nagsalita. Chinat ko rin nanay nya na wag na muna manghingi dahil bbinyagan pa apo nya. Aba finorward nya ung chat ko sknya dun sa asawa ko. Ano gusto nya palabasin? Na kinakawawa ko siya? No way! Pag aawayin pa kaming dalawa. Sabe ko lang naman na saka na sila humingi kapag may extra na eh.
Eto pa. Nagtalo kami mag asawa. Nagopen sknya ung asawa ko (syempre nanay nya).. aba ang sagot ba naman eh "hindi na nga kagandahan, di pa maganda ung ugali, ano bang nagustuhan mo dyan?" Tama ba yun? Hahahaha. Tapos gusto pa ng nanay nya eh, wag ipaalam sken ng asawa ko kapag kumikita sya ng pera. Para daw di ko malaman na magbbgay sya sa kanila. Hahahahaha. Ibang klase no? Nabasa ko chat nila eh. Pero di ako umimik. Eto pa, kaya daw sila walang pera kasi bumili sila ng EBIKE, CASH!!! Wow sana all diba? Hahahahaha may pang ebike walang pangkain? Sige. Hahaha.
Ano ba dapat kong gawin. Sobrang hirap eh. Mahal na mahal ko asawa ko. At sobrang buti nya sa anak namin. Halos sya na nga nagpapaka-nanay eh sa pag aalaga nya samin. Kaso yung magulang nya talaga ang problema. :(