Found this from FB,PAGBUBUKOD

Diba ang sarap sa pakiramdam kapag ikaw ang reyna at hari sa sarili mong tahanan. Ano-ano nga ba ang kahalagahan at benepisyo ng pag-bukod? Likas sa ating mga pinoy ang sobrang malapit sa isa-isa. Kaya kahit may asawa na nakapisan parin sa mga magulang. mahalagang bumukod kung ikaw ay may asawa na para may authority ka over your household. Kailangan bumukod ang mga-asawa para matutong tumayo sa sarili nilang mga paa. Pero alam rin natin na hindi ito madali dahil sa kadalasang dahilan ay ang kakulangan ng pera. Kaya dapat paghandaan ang pag-aasawa hindi kailangang bumili agad ng bahay kung hindi pa kaya, pwede namang mag renta muna. Isa rin ito sa payo ng aming mga tumayong ninong at ninang sa kasal, para mas makilala nyo ang isa't-isa at mahandle ang finances ng tama. Bumukod kayo. Walang mayaman o mahirap sa pagbukod ng pamilya ang kailangan mo tibay ng dibdib at lakas ng loob. Kahalagahan ng pagbukod: ? PRIVACY: Kayong mag-aasawa ay bubuo ng pamilya, kung ikaw ay nakapisan sa iyong mga magulang madalas lahat ng kilos mo ay mapupuna. In short, hindi mo magawa yung gusto mo. Kung gusto mo humilata maghapon magagawa mo kung ikaw ay nakabukod. Dito nagsisimula ang samaan ng loob. Kung ikaw ay nakikipisan o kung saan kayong nakatirang bahay igalang nyo kung sino ang authority sa bahay na iyon. Kaya nga mahalagang bumukod. ?FINANCES: Kung kayo ay nakabukod. Mas madali nyong makita o ma handle ang inyong pera kung saan ito napupunta at ano-ano ang dapat paglaanan, mas madaling makaipon mas madaling mapag-usapan dahil kayong dalawa lang ang involved. Pwede parin namang mag suporta sa magulang paminsan-minsan. ?DECISION MAKING: Kung kayo ay nakabukod walang makikialam sa bawat desisyon nyo at the end. Wala kayong dapat sisihin sa bawat resulta. Mas mapag-uusapan nyo ang tama at maling desisyon. Walang third party involved tulad ng byenan, kapatid, na pwedeng makaapekto sainyo. Pwedeng mag reach out sakanila anytime. Pero sa loob ng tahanan mas magandang kayong mag-asawa ang mag usap. ?PAGPAPALAKI SA MGA ANAK: Kung kayo ay nakabukod isa ang nagtatrabaho at isa ay hindi, mas madali ninyong magampanan ang pagiging magulang dahil mas matuturuan nyo silang maging independent. Kung ano ang gusto mong disiplina para sa anak mo ay magagawa mo ng walang ibang taong pipigil sa'yo. ?FREEDOM: may freedom kang gawin lahat ng gusto mo. Kung nagtatrabaho ang asawa mo pwede kang mag online selling habang nag-alaga ng mga anak. Tulungan lang bilang mag-asawa. Mas magaan ang buhay kung parehas kayong nagkakaintindihan. ??: INDEPENDENT: Isa rin ito sa big step bilang isang tao. "End your own comfort zone". Mas nakakabilib ang mga taong nag e-explore sa buhay, hindi takot mag try at mag risk. Para sa ika aangat ng buhay. Kadalasan sa nagkakaroon ng sariling bahay ay yung mga bumubukod. Bakit? Kung mas maaga nyong na hahandle ang adjustments at ang finances nyo mas eager kayong magkaroon ng magandang future. Habang tumatagal kang nakapisan sa magulang mo mas tumatagal ang tendency mong maging dependent nalang. May mga exceptions din naman kung bakit hindi talaga nakakabukod ang mag-asawa tulad ng. ?Nag-iisang anak, tagapagmana ng tahanan ng magulang. ? Senior Citizen na ang mga magulang at kailangan mag-alaga. ?Single parent/maagang nabalo or byuda kailangan kumayod at kailangang iwan ang anak sa magulang. ?Walang mag-aalaga sa anak, pero pwede namang humanap ng malapit na paupahan sa bahay ng magulang, pwede rin namang pumunta ang magulang sa umaga o ihatid sa bahay ng magulang sa araw at sunduin sa gabi. Napakahalang bumukod. Para mas maramdaman nyo ang buhay mag-asawa, maraming paraan. Hindi naman porket mahirap ka hindi mo na kaya. At hindi dahil mayaman sila kaya kaya nila. Kayang kaya nyo rin yan. Pagplanuhan, pag-usapan, at paghandaan. ❀ Ccto #allaboutmotherhoodthoughs

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Only child kasi c hubby kaya hindi kami pwede bumukod. 😊 Nung una, ang hirap intindihin. Umiyak talaga ako while we were discussing it. But I realized, if I am on his shoes, tama din naman sya. So, I accepted it. Blessed din naman ako sa MIL and FIL ko kasi mabubuti naman tao. πŸ˜‡

Ung sa nagtatrabaho Ang Isa at Isa Hindi. Pakiramdam ko d n applicable sa panahon ngayon.. nakakalungkot ung hirap Ng buhay. Kaya maraming Bata napapabayaan. .