Di ko alam kung saan magsisimula haha. Pero masakit pala masabihan ng BASTOS KA sa harap ng mga kapatid ng asawa mo. Kasi napalakas ko hatak ng pintuan ng bahay, kasi napikon ako sa asawa ko. Aminado akong mali ako. Sobrang mali ako. pero yung masabihan kang bastos ka sa harap nila, grabe iba pala yong sakit. π
yung taong pinagtatanggol mo sa kanila noon, siya rin pala yong taong magpaparamdam ng ganon. π
Sobrang nanliliit ako sa sarili ko. Lalo na nung pag uwi namin sa nirerentahan naming bahay e sabihin sayo na DIYAN KA MAG ISA MO. π¬ gusto ko itago sarili ko sa sobrang kahihiyan. gusto tumakbo palayo haha. Sanay akong masabihan ng masasakit na salita kasi nakalakihan ko yon, sanay katawan ko sa bugbog. Pero ibang klase pala yong sakit kapag yong taong mahal mo na magpapahiya sayo ng ganon. π
Gustong-gusto ko talaga saktan sarili ko. Sobrang bobo ko talaga sa part na nahatak ko ng malakas yong pintuan dahil sa inis ko. Bat kasi ganitong tao ako? Bat bastos ako? bat masama ugali ko? wala na nga kong maipagmamalaki sa asawa ko, ganitomg klaseng tao pa ko. π¬π
Sorry dito nagdrama. wala ko masabihan e. Wala kong matakbuhan.
ps. baby, wag mo sanang mamana pag uugali ng mama. para gustuhin ka nila. sorry kung ako ang mama mo. pipilitin ko pa maging mabuting tao at mabuting mama para sayo. #firstbaby #pregnancy