Financial problems with live in partner

Di ko alam kung mababaw ba ako pero gusto ko hiwalayan LIP ko dahil sa pera. Oo, maalaga sya at mabait sya pero nabibigatan na ako at naiinis na ako sa lahat ng nangyayari. Nung nabuntis ako parehas kami wala work ni bf so para matulungan kami, binigyan kami ng work ng papa ko and at the same time binibigyan din nya ako pera monthly, ako nagbabayad ng rent, groceries, bills, checkup, lahat, kompleto ko na baby stuff and nakatabi na pacheck up ko, lahat ng yun galing sa sahod ko at sa pera na binibigay ng papa ko. Si bf kahit piso wala pang naambag, intindi ko sana if wala sya work pero kaya nga sya binigyan work eh para may mabigay sya samin na pamilya nya, instead nakabili pa sya new na mga shoes and game console tsaka nalilibre pa nya friends nya sa inuman. Gets ko na di naman planned na magkaanak kami kaya until now, feeling binata pa din sya, so binigyan ko sya time para mag sink in lahat and para marealize nya na need na nya mag prioritize but everytime na sinasabihan ko sya, sya pa nag rereason out na malaki naman dw binibigay ni papa kaso ayoko naman umasa sa tatay ko forever. Hindi ko naman need na ibigay nya lahat ng pera nya saken, ang akin lang gusto ko sya makitang mag try, gusto ko makita effort nya. Ilang beses na namin napagawayan to pero sabi nya need din ng parents nya na ihelp nya sila. Bat ganon. Next month na ako manganganak and sobrang stressed nako, di alam ng papa ko na ganito sitwasyon namin. Mahal ko partner ko and alam ko na mahal nya ako pero di enough yun, gusto ko ipakita nya na kaya nya maging tatay. Sobrang sweet and caring nya saken like sya gumagawa ng mga gawain sa bahay etc pero ewan, gusto ko sya mag step up. Mababaw ba yun na rason para hiwalayan sya kahit na maalaga naman sya saken?

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

at first, ako rin gumagastos sa check ups ko kasi ako ung may work samin ni partner. magastos kami pareho, araw araw kain at punta kung saan kahit pregnant na ako. pero naging maselan ang pregnancy ko kaya nagresign ako kahit na ayaw niya dahil malaking tulong naman talaga if may work ako. ngayon, siya na yung nagwowork. mahilig kami both sa computer games, mahilig din siya sa shoes. nakabili ako laptop habang nagwowork. ngayon, yun ung gamit niya para sa hobby nya na maglaro. gusto nya rin bumili ng shoes. gusto niya magka PC, pero pinagusapan namin na unahin muna panganganak ko & si baby. naintindihan naman niya kahit pareho kami gusto makabili ng luho. hindi rin planned na magkababy kami kasi medyo bata pa. kaya ngayon, ako medyo nahihiya dahil gastos na nya lahat ng check ups & laboratories. need din ng parents nya ng tulong pero mas inuuna nya kami ni baby, kahit pagalitan sya na di nagaabot madalas, atleast naproprovide nya needs ko like checkups & vitamins. i think, nasa partner mo na yan if gusto niya talaga na matulungan ka. pwede siya mag abot sa parents niya kahit kaunti pero dapat meron din para sainyo ni baby. kayo dapat mas prioritize nya ngayon. try mo pakausap sa parents nya or parents mo. pag hindi, try niyo magusap one last time. if it's still the same, nasayo parin ang huling desisyon :)

Magbasa pa
VIP Member

In my own opinion, mali nmn ung partner mo n inaasa nya ung panggastos mo sa papa mo. Pamilya n kau kung d nya pla kyang gampanan ang pagiging head of the family by means of financial d sna d k n lng nya binuntis. Un p lng being irresponsible n un. 2nd mahiya nmn xa sa papa mo kc un ngbigay ng trabaho sa kanya, 3rd kung kaya mo pgtiisan xa d go pru darating ang time n mapupuno k n rn pg d p xa ngbago kc once n manganak k n po darating n dyn ang sobrang gastos bill sa panganganak, milk, diaper other baby essentials, etc. Hope n mkausap mo LIP mo n mgkaintindihan kau. God bless

Magbasa pa

No offense mommy ah pero sobrang irresponsable po ng partner nyo. Di sya makabigay sainyo pero nakakapag inuman pa sya and bili ng mga sapatos? Sorry pero mukhang di pa sya ready maging tatay. Kung maalaga lang po at marunong gumawa sa gawaing bahay ang kaya nyang ibigay, hiwalayan nyo nalang, hire ka nalang yaya tutal mukhang afford mo naman. Di mo po kailangan ng pabigat ngayon, matanda na tayo, love is not enough to make a relationship work, it needs effort from both of you.

Magbasa pa

Maling-mali partner mo, mamsh! Responsibilidad niya kayo at hindi sa tatay mo. Jusko naman, hindi ba siya nahihiya sa sarili niya nung sinabi niya iyon? Baka kung partner ko siya, nasampal ko kaagad. Umaasa lang pala iyan sa bigay ng tatay mo. Next time mamsh, kausapin mo siya at β€˜wag mo na gastusin iyong pera na bigay ng tatay mo. Hayaan mo partner mo ang gumastos sa pang araw-araw niyo. Ang kapal naman ng mukha niya.

Magbasa pa

If I were in your situation, I would rather take the risk of facing my battle alone ( anyway, your parents are so supportive naman ). What is the sense of having a partner if at this point in your life, he is just doing nothing ( nakakagigil!! ). He supposed to be your greatest supporter. Wake up girl! Let him learn his lesson. Stay stronger. God bless you and your baby. πŸ™πŸ»

Magbasa pa
VIP Member

Have you talked to him about this? Minsan mahirap din talaga kapag alam na may aasahan. Hindi kaya ganun nangyayari? Na since alam niya na andyan papa mo to support you kaya hindi siya pursigido? Maybe it’s time na kausapin mo siya at ipaalala sa kanya na hindi panghabang buhay na aasa kayo sa magulang mo. He needs to feel na pamilya niya kayo at responsibilidad niya kayo.

Magbasa pa

Ang dami nyang excuse sis ang ending lang naman makasarili sya. Hnd ba sya nahiya sa papa mo at sa pamilya mo? Swerte nya natulungan kayo. Wala ba syang pride bilang lalaki? Ang tawag sa ginagawa nya mapag samantala. Alam mo kpag hnd nyo napag-usapan yan magiging tamad yan,saka pwd tumulong sa pamilya nya pero dpt make sure na nabibigay nya ang needs nyo mag-ina.

Magbasa pa

dapat alam na nya responsibilities nya dahil mag kakaanak na kayo.. dapat yung sahod nya sayo nya na pinapaubaya para sa inyo ng baby nyo at pang araw2 nyo.. Kausapin mo mabuti ipaintindi mo pero kung di pdn nya maintindihan pauwiin mo nlng sa Nanay nya para marealize nya yung mali nya. Huwag ka pakastress delikado kay baby lalo nat manganganak kna pala.

Magbasa pa

Tama ka naman, mali naman talaga ung partner mo na iasa nalang niya ang pangangailangan niyo sa tatay mo mahiya naman siya no! Maging responsable kamo siya kung ganyan lang mas mabuti pang iwanan mo siya total sinusupportahan ka naman ng tatay mo keysa ung andiyan nga siya pero pasanin naman siya. Uwi na mona siya kamo sa magulang niya at dun siya magpabuhay!

Magbasa pa

Hindi ka mababaw sis, big deal po yan. Hindi pa lang nagiging sobrang laking problema at binabalewala lang dahil may naaasahan kayo, pero kung wala, magiging #1 problem niyo yan at araw araw niyong pag aawayan. Mali yung views ng partner mo at di pa siya mature para magkapamilya. Grow up kamo, magpakatatay naman.

Magbasa pa