Money problems with hubby

Hi mommys! Eversince kasi ako gumagasto samin kahit nung mag jowa palang kami, kahit dates and all, naiintindihan ko naman kasi alam ko na mas may pera ako kesa sakanya kaso ngayon kasi nagkaka problema na kami since nasanay na sya and pera nya is pera nya pa din. Im 8 months pregnant, ako magbabayad ng panganak ko which is 150k, ako din bumili ng lahat ng gamit ni baby, ako nagbabayad ng rent namin and bills, gumagasto naman sya sa groceries minsan kasi sya lang pwede lumabas dahil sa ECQ and di ko sya binibigyan ng money. Nagaway kami recently kasi ang laki ng gasto nya dahil madami sya binili na things for himself and wla pa sya ambag kay baby tapos galit sya kasi mas magasto naman daw ako, ang sagot ko naman is kaya gumagasto ako for myself is because extra ko nalang yun after sa lahat ng ginasto ko para samin. Ngayon di kami naguusap kasi nagalit sya since di ko daw iniintindi financial situation nya, naiintindihan ko , ilang taon ko na iniintindi pero sana naman mag effort sya, nakakabili sya ng luho nya pero kahit share lang sa bills, asa pa din saken? Ewan ko na. Sabi nya mali daw ako kasi mas meron ako so dapat ako tlaga pero pagod na pagod na ako. Ako na lahat. Ewan ko, stress nako. Gusto ko lang maramdaman na nag eeffort sya, hindi ko naman need na sya maging breadwinner kasi alam ko na mas capable ako, ang akin lang is kung meron sya sana naman bigay nalang nya samin, di yung sakanya lahat.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sa amin kac mommy. Nasa isang lagayan lang ang pera. Kong may bibilin kami kanya kanya kami kuha dun. Basta importante lang. Pero pag hinde naman masyado importante.. pinapaalam namin sa isat isa.. para alam nmin pariho at hinde kami mag aaway sa pera..

Nakakastress naman yan mamsh. Baka nasanay na sya at naspoiled sayo kaya ganyan padin ugali nya kahit mag kaka anak na kayo.