Palo

Di ko alam kung depression to, Kanina napalo ko yung 2y/o ko, napuno na kasi ako, alam ko nasa kakulitan na talaga sya kaso tatlo sila may 1y/o pa tsaka 1month old. Sabay pa yung inis ko sa tatay nila na wala na ginawa kundi mag laro ng mobile games. After ng work nya pag uwi sa bahay naglalaro na sya hanggang madaling araw. Minsan wala ng tulog magttrabaho na ulit. Dati naman natutulungan nya ako sa mga bata. Tuloy nadadamay mga anak nya sa inis ko. Hindi ko naman sya mapagsabihan dahil nagagalit sya at ilang beses na rin kami nag away dahil pinababawasan ko sakanya yung paglalaro nya. Almost 1week na kaming hindi naguusap. Ok naman kami kaso hindi nya lang talaga ako makausap dahil busy sya sa paglalaro. Minsan nasusungitan nya pa kami kapag kinakausap namin sya. Nagtitimpi ako sakanya pero pag dating sa mga bata dun ko nababaling yung inis ko. Naawa ako sa anak ko pag napapalo ko sila. Maliliit pa sila eh. Naiiyak ako. Pag nagiging ganito ako naiisip ko yung ginagawa samin nung maliliit din kami. Grabe kami paluin. Ayoko sana gawin sa mga anak ko at ayoko rin na makuha nila yung ugaling pananakit sa anak pagdating ng panahon na sila naman ang magkakapamilya. Kaso pag nagagalit ako hindi ko na maisip yun. Parang gusto ko nalang mawala sa kanila para di na nila maranasan sakin to. Mababait mga anak ko sobrang malalambing, ngayon na napapalo ko sila napapansin ko nagiiba na rin ugali nila. Nagi-guilty ako. Gusto ko maayos ulit kami. Nakakaawa pag naaalala ko yung mga iyak nya habang pinapalo ko sya. Please need ko po ng advice nyo bilang nanay. Wala rin po kasi akong nanay o kapatid na nakakausap eh. Kapag may problema ako, mag isa lang po ako.

40 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi sis, alam mo ang hirap iopen up ng ganitong issue with family and friends kasi ngayon ang mga moms parang napakaperfect. Konting palo o sigaw tulfo na. Alam mo nag post partum depression din ako, extended pa... I was referred to a psychiatrist.. Mag isa ako sa bahay and i work at home as a programmer.... May times na nasisigawan ko din anak ko or nahahandle ko sya in a careless manner and my daughter was just 8 mos then.... I cried alot nun... I told myself that i failed as a mom. Gusto ko na din mawala nun... Pero un as days went by, humaba ang patience ko.. I think un ang talagang ituturo sayo ng mga bata, the true meaning of patience... Pero may times talaga na nagbuburst tayo.... Pag ganun punta ka sa isang kwarto and let it out.... Compose yourself then come back.... Motherhood is a learning process... If you didn't like the things you did today, then do better tomorrow... Walang perfect na mom... Di puro saya lang lagi at lambing.... Pag nasasaktan mo baby mo mag apologize ka sabihin mo sorry mali si mommy... Try very hard not to do it again... Isipin mo na lang sa baby mo, you are their world... Saka wala namang ibang magpapakananay sa kanila kundi ikaw... I know you are doing everything you can... You are doing a great job :) Kapit lang.. Make sure you get enough rest or sleep... Sabi ng doctor sakin before sleep deprivation is a torture... Di ka talaga makakaisip ng tama... Yung asawa mo kausapin mo ng masinsinan.... Tell him that you need help... Saka di maganda ung di ka pinapansin pag nag away for too long or dinidisregard ka habang naglalaro. Iisipin ng anak mo tama un na di bigyan ng atensyon or importance... Pag laki nila iisipin nila kung pano ka tinrato ng asawa mo, un ung ok na treatment from their and towards their partner... Paunawa mo sa asawa mo yan...

Magbasa pa