Palo

Di ko alam kung depression to, Kanina napalo ko yung 2y/o ko, napuno na kasi ako, alam ko nasa kakulitan na talaga sya kaso tatlo sila may 1y/o pa tsaka 1month old. Sabay pa yung inis ko sa tatay nila na wala na ginawa kundi mag laro ng mobile games. After ng work nya pag uwi sa bahay naglalaro na sya hanggang madaling araw. Minsan wala ng tulog magttrabaho na ulit. Dati naman natutulungan nya ako sa mga bata. Tuloy nadadamay mga anak nya sa inis ko. Hindi ko naman sya mapagsabihan dahil nagagalit sya at ilang beses na rin kami nag away dahil pinababawasan ko sakanya yung paglalaro nya. Almost 1week na kaming hindi naguusap. Ok naman kami kaso hindi nya lang talaga ako makausap dahil busy sya sa paglalaro. Minsan nasusungitan nya pa kami kapag kinakausap namin sya. Nagtitimpi ako sakanya pero pag dating sa mga bata dun ko nababaling yung inis ko. Naawa ako sa anak ko pag napapalo ko sila. Maliliit pa sila eh. Naiiyak ako. Pag nagiging ganito ako naiisip ko yung ginagawa samin nung maliliit din kami. Grabe kami paluin. Ayoko sana gawin sa mga anak ko at ayoko rin na makuha nila yung ugaling pananakit sa anak pagdating ng panahon na sila naman ang magkakapamilya. Kaso pag nagagalit ako hindi ko na maisip yun. Parang gusto ko nalang mawala sa kanila para di na nila maranasan sakin to. Mababait mga anak ko sobrang malalambing, ngayon na napapalo ko sila napapansin ko nagiiba na rin ugali nila. Nagi-guilty ako. Gusto ko maayos ulit kami. Nakakaawa pag naaalala ko yung mga iyak nya habang pinapalo ko sya. Please need ko po ng advice nyo bilang nanay. Wala rin po kasi akong nanay o kapatid na nakakausap eh. Kapag may problema ako, mag isa lang po ako.

40 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

My scenario is somehow same as yours. Yung husband ko na minsan dahil na rin sa work eh super sungit sa bahay. At mga anak ko na super kukulit at minsan nag aaway pa at ayaw magpasaway. You know what I did. Bago ako magsalita o pag galit na ako nagbibilang ako ng 10 sa utak ko. Haha. πŸ˜‚πŸ˜‚ kasi pag nagbilang ako makakalma ko ng konti. Yung sa husband ko kinakausap ko sya. Whatever your doing stop it and lets talk for 10mins. Alam mo sinabi ko. Sabi ko sknya I want to be a better person. Please do not push me na maging masama. Tulungn mko. Baguhin mo ugali mo. After nun I see him tryng to be more patient sa bahay. I did the samething with my kids. I talked to them kahit bata pa sila. I said Kuya pakabait kayo ni Drizzle papakabait din si Mommy. Ayaw ko magalit eh. Ayaw ko din mamalo. I dnt know for some reason it works skin. Lalo na ung bunso ko he speaks as if matanda na sya. And more impt sis silent war is not good on a relationship. You have to fix it.

Magbasa pa
5y ago

Need ko ng ganitong skill πŸ˜“πŸ˜“πŸ˜“