POSTPARTUM DEPRESSION

Di ko akalain na mangyayari sakin 'to. Ang hirap. Naranasan nyo na ba umiyak ng isa, dalawa o higit pang oras nonstop? Nung una tinatago ko pa sa lip ko at pilit ko kinakalma sarili ko. Bigla na lang ako inaatake di ko maintindihan sarili ko. May isang buwan na nung nakaramdam ako ng ganito. 2mos na nang maipanganak ko si baby via cs. Sabi ng lip ko wag ko raw kasi isipin pero kusa ko sya nararamdaman na hindi ko talaga mapigilan. Dagdag pa tong pandemya kaya di ko magawa gusto ko. Iba sa plinano ko nung di ko pa pinapanganak si baby. Nahihirapan ako. 😭

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Mommy hindi ka po nagiisa.. Naiintindihan kita.. Mabuti po at nakapagvent out ka po.. Due to hormones din po kung bakit po ganyan nararamdaman natin.. Marami kaming handang makinig.. Please seek medical help din po kung kailangan