Ang hirap magpanggap na ok ang lahat ?
Dear hubby, Mahal, naalala mo pa ba yung bago pa lang tayo halos gawin mo akong reyna? Yung tipong mga bagay na dapat ako gumagawa eh ginagawa mo. Pag may nararamdaman ako, di ko na kailangan magsabi kasi kikilos kana agad. Lagi mo akong sinusundo at hinahatid kahit saan ako magpunta. Nag iisa ka lang lalaki sa pamilya mo kaya nangangarap ka na sana magkaanak na tayo at eto na nga after 2 long years na pag aantay ng anak natin bakit unti unti kang nagbabago? Akala ko magiging mas responsable ka kasi dinadala ko na ang pangarap mong anak. Naalala mo naman siguro yung mga pinayo sakin ng doktor na wag ako masyado magpagod pero bakit di mo ako matulungan? Simpleng gawaing bahay sakin mo lahat iaasa kahit hirap na ako parang wala ka pa din nakikita basta nakahiga ka lang? Di ko magawang mamalengke dahil sa sakit ng likod ko ang wala kapa din kusa di bale na magutom kami basta di ka lang kikilos. Mga pangangailangan sa pagbubuntis ko lagi mo sinusumbat lalo kung mahal. Nung minsan nagkaproblema ako at kailangan mo akong itakbo sa ospital nagawa mo pang maligo, magsipilyo at mag ayos at nung nagreklamo na ako na di ko na kaya maghintay ng matagal kasi masakit na pinagdabugan mo at di kana sumama kaya ang ginawa ko pumunta ako sa ospital ng mag isa. Habang nandun ako tinanong ako ng doktor kung may kasama ba ako kasi may mga lalakarin na papel para nakaupo lang ako pero sinabi ko na lang na papunta kapa lang at ako na nag asikaso. Na admit ako sa ospital ng ako mag isa at nung pinapunta kita para may umalalay sa akin galit kpa. Mahal, wala na ba akong halaga sayo? Kami ng magiging anak mo?