Ang hirap magpanggap na ok ang lahat ?

Dear hubby, Mahal, naalala mo pa ba yung bago pa lang tayo halos gawin mo akong reyna? Yung tipong mga bagay na dapat ako gumagawa eh ginagawa mo. Pag may nararamdaman ako, di ko na kailangan magsabi kasi kikilos kana agad. Lagi mo akong sinusundo at hinahatid kahit saan ako magpunta. Nag iisa ka lang lalaki sa pamilya mo kaya nangangarap ka na sana magkaanak na tayo at eto na nga after 2 long years na pag aantay ng anak natin bakit unti unti kang nagbabago? Akala ko magiging mas responsable ka kasi dinadala ko na ang pangarap mong anak. Naalala mo naman siguro yung mga pinayo sakin ng doktor na wag ako masyado magpagod pero bakit di mo ako matulungan? Simpleng gawaing bahay sakin mo lahat iaasa kahit hirap na ako parang wala ka pa din nakikita basta nakahiga ka lang? Di ko magawang mamalengke dahil sa sakit ng likod ko ang wala kapa din kusa di bale na magutom kami basta di ka lang kikilos. Mga pangangailangan sa pagbubuntis ko lagi mo sinusumbat lalo kung mahal. Nung minsan nagkaproblema ako at kailangan mo akong itakbo sa ospital nagawa mo pang maligo, magsipilyo at mag ayos at nung nagreklamo na ako na di ko na kaya maghintay ng matagal kasi masakit na pinagdabugan mo at di kana sumama kaya ang ginawa ko pumunta ako sa ospital ng mag isa. Habang nandun ako tinanong ako ng doktor kung may kasama ba ako kasi may mga lalakarin na papel para nakaupo lang ako pero sinabi ko na lang na papunta kapa lang at ako na nag asikaso. Na admit ako sa ospital ng ako mag isa at nung pinapunta kita para may umalalay sa akin galit kpa. Mahal, wala na ba akong halaga sayo? Kami ng magiging anak mo?

83 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Relate po ako parang sa una lang sila magaling :( nakaka sad po sana mag bago sila sana mainitindihan nila tayo at maisip nilang mahirap para satin to Stay strong po

Hyst kaka sad yung ganitong story sa panahon ngayon hirap na talaga humanap ng matinong lalaki ,, stay strong momshie , always pray makakaya nyo yan ni baby, ,

This is so heartbreaking ๐Ÿ˜Ÿ๐Ÿ˜Ÿ๐Ÿ˜ญ God bless po๐Ÿ™๐Ÿ™ iiyak Mo lang lahat lahat, e surrender Mo Kay God lahat at gagaan ang pakiramdam mo

VIP Member

nakaka sad naman yung ganitong eksena from mahal na mahal ka to cold feelings ๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ขask him why bigla siyang nagbago momsh!!

I feel you. Hirap na hirap na ko sa sitwasyon namin ng asawa ko ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ Hndi ko na alam ang salitang tiwala ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ

Huhuhu.. this is so sad.. sana kabaligtaran nlang.. na nung una ay tamad xa at d maasikaso pro nung nabuntis kana ay nagbago na xa..

VIP Member

Magpray ka mommie, magpakatatag ka para sa baby mo at para sa sarili mo din, wag masaydo magisip, isipin mo ang baby mo palagi,

Hays ganyan sila mamsh. Mga walang silbi ganyan na ganyan hubby ko ngayon noong una super sipag ngayon super tamad

kasal po ba kau?kung di ka kayang suportahan at alalayan ng asawa mo..bkit di knlng bumalik sa pamilya mo

Virtual hug momsh ๐Ÿ’ช Kaya mo yan. Wag susuko.. Im hoping na sana bumalik yung dating hubby mo.