Parenting
Dapat bang makealam ang byanan sa problema ng mag asawa ?

Manghihingi lang po sana ng advise. Yung asawa ko po kasi, may konting di lang kami pagkakaintindihan. May baby kami at gusto laging nasa bahay nila si baby. Which is okay lang naman sana kaso bumukod na kami. Wala pang 2 days na nasa puder ko baby namin, gusto na naman nya dalhin sa kanila. ang concern ko lang naman, ayaw kong laging binabyahe si baby. Tsaka I don't feel safe sa kanila si baby kasi laging hinahalikan at sakitin ibang tao doon. As a father ayaw kong pumayag at nagalit ako sa partner ko. Dapat bang makialam ang family nya at kunin mag ina ko? Hindi ba dapat pinag uusapan muna naming mag asawa? Sobrang depress na ako ngayon na 2 days kong di nakikita baby namin. Feeling ko tinatanggalan ako ng right as padre pamilya. O mali ba ako at nag over react lang?
Magbasa pa