11 Replies
I feel you. Ang hirap talaga pag maselan magbuntis and need talaga magstop ng work. Hindi planned yung pregnancy ko so totally wala kong ipon kasi iba pa talaga priorities ko pero nung dumating na si baby, I have to sacrifice na almost everything and that includes my career. I am like you na ayaw umasa kahit kanino, to be honest it hurts my pride and ego but here I am now, totally dependent sa parents and sa boyfriend ko-i even have to depend pati allowance ko and hygiene needs. Nakakadepress and frustrate at the same time na wala kang financial freedom cause it's not your hard earned money pero iniisip ko na lang na once na lumabas na healthy and okay si baby it'll be all worth it and makakabangon ulit ako and mareregain ko ulit yung independence ko in a way. Kapit lang mommy. If kaya mo na ulit, bangon ka na and find a new job while taking care of your baby. For now, talk to your hubby whenever you neee something, learn to ask for it kahit masakit sa pride. Be strong!
I feel you mommy. Ang hirap gumalaw ng walang pera, you feel worthless. May mga gusto kang bilhin hindi mo mabili kasi wala kang work, wala kang sort of income. Wala kang ibang choice kundi mag antay sa sahod o kung magbibigay ba ng pera partner mo. Magtitiis ka na lang and Minsan maiiyak ka na lang pag maaalala mo life mo before na whatever you want or you like makukuha mo ng di umaasa sa iba. But now you have to be understanding and be more patient and always tell yourself na mababawi mo din yong mga bagay na yon pag labas o palaki ni baby. PS: Better talk to your partner mommy personally about your rants, sabihin mo sakanya lahat and you both have to be open to each other and talk that issues para malinaw. Kahit paulit ulit kailangan mo ipaalala sakaniya yon para di mawala sa isip niya na dapat mas priority na niya kayo kasi di na kayo mag jowa, may pamilya ng binuo yang partner mo. Pamilya na kayo.
Ayon na nga ang mas maganda sis, better you both open to each other. Problem ng isa, problema nyo na pareho and you both should solve that. Iisa na kayo simula nagkababy kayo. You both need each other shoulders. Hindi naman porket siya ang nagwowork e hindi na kayo dapat open. Sa mga ganyan kailangan nyo ang isat isa. Nahihirapan siya pero nahihirapan ka din. Open mo rants and mga dapat iopen sa kanya para ganun din siya sayo para mas lalo nyong maintindihan ang isat isa and hindi mabigat sa feeling
Much better sis kung kausapin mo sya, kasi magkakaroon na sya ng pamilya nya.. Limit nlng dpat pagbbgay nya sa pamilya nya and dpat alam din ng side nya yon at naintindihan dn sana. and mas unahin nya kayo lalo ung gastos kay baby. Ganyan din hubby ko nung una pero nagtry ako kausapin sya naging okay nman, may time na magpapadala sya sa side nya pero limit nlng ibbgay nya kasi alam nya kelangan din namin.. Maintindihan nya yan sis π Magingat kayo ni baby. Bawasan na pagiisip pray lang π
Thank you sis sa concern, sobrang depressed na talaga ako kahapon. Yes mamsh depressed na kasi may mga suicidal thoughts na ako pero iniisip ko baby ko πππ. Kaya kahit d ko na kaya lalaban ako. Kung walang progress pa rin saming dalawa nd na ako magtitiis. π’π’π’. Di ako dependent na tao mas gusto kong maging independent pagdating sa pera ung d lang ako basta taga hawak ng pera kundi ako mismo kumikita π’π’
bakit ka po ngStop mgwork, mahirap po tlga gnyan lalo nasanay k may sariling pera, pag preggy pa nman dami gusto bilhin..ako po ever since ngwwork, ayoko din kc ung nanghihingi ng pera sa asawa ko. yan din advise ng mama ko, wag papayag n mgStop mgwork kc mahirap n ultimo pambili napkin hihingin mo pa sa asawa mo kc walang kusa mgbigay ng pera..kausapin mo po, para aware din po sya sa nararamdaman mo
okay lang yan sis, ngyon palang sinasabi ko na sayo, maging open ka sa asawa mo..ako sobra ok nun buntis, hindi ko naging issue pera kahit pagkpanganak pero ngSelf-pity pa din ako..PPD talaga kahit npaka-strong ng personality ko, feeling ko din inutil ako n nsa bahay lang..kaya mgsabi ka po sa asawa mo ng nararamdaman mo, hindi m need sabihin n bigyan k ng pera, pwde nmn sabihin mo naninibago ka, di ka sanay sa bago setup..
sabihin mo na lang ng direkta sis para alam din nya nararamdaman mo.baka kasi iniisip nya ok lang kasi wala ka sinasabi. mga lalaki kasi pag di mo sinabi hay naku wag na umasa maiisip nila yun. try mo lang sis. open communication ba in palambing way.
gawa lang siguro sis ng pagbubuntis normal na yung nagiging emosyonal. Hinay lang sis at wag paka stress kawawa naman ang baby.
if hindi ka makahingi sa asawa mo allowance, hingi ka sa family side mo.. Mama mo, papa mo, wag tayo umasa kay mister basta bsta lalo na if ganyan na may obligasyon pa sya sa mga tumulong sa kanya para marating yung kung anong meron sya ngayon...
Tulog po baby nyo kapag ganun.. Nothing to worry normal po yun basta wala kayong bleeding.. Iwasan mo natin mastress at umiyak nararamdaman ni baby yan... Harmful sa unborn po ang chemical na naproproduce ng stress natin... sabihin mo nalang sa asawa mo magbigay sya sayo kc para yun sa bata...
Bakit hindi ikaw naghahawak nan sahod nya e nagpapamilya na kayo. Ikaw na dapat humawak lalo na kung ikaw yung mas marunong magmanage. Di naman pwede na puro bigay pa sya sa kanila e buntis ka na nga at magkakaanak na kayom
Ang hirap kasi magsalita lalo na kung against sa MIL. Sobrang sama ng loob ko sakanya kahapon to the point na nadedepress na talaga ako. Napatingin ako sa kalendaryo tapoa nakita ko na sobrang lapit na talaga ng due ko kakayanin kaya namin makapagtabi at ipon ng pambili ng gamit ng bata before ako manganak kung maliit na halagang pang kain lang hirap pa sya ibigay sakin. Binibigay nya sakin ung pera nya pero may pinaglaanan na in short talagang taga hawak lang ako kasi kalkulado na lahat .
Pareio tau ng nararamdaman..gusto ko na uli magwork kz ang husband ko na xang gusto tumigil ako e hindi rin pumapasok kesyo may masakit sknya etc.. pano nlng kami dnya naiisip tpos buntis pa nga ako pangangailan ng buntis..
Nakaka stress grabe. Di mo alam san ka lulugar e ππ. Kakapagod mag isip.
I feel you. I feel worth it din pag may work kaya till now I am working. Homebased lang din kasi. Swerte ko lang at homebased ako and hindi maselan. Dibale momsh, tiis tiis lang pasasaan ba masusurpass mo rin yan.
Need talaga magsacrifice sis. Pero I suggest na iopen mo kay hubby mo yan para di mo kinikimkim kasi mahirap yun kimkimin. Para din sa baby mo. Di maiiwasan ang stress, pero ilabas mo para kahit papano maease.
Hi mamsh. It would be best for you to talk to him. Lalo na magkaka anak na kayo. Na need nya kayo iprioritize kasi you're already starting a family.
Gustuhin ko man sis, pero naaawa na rin ako sknya e. Sobrang pagod sya sa work nya lagi stress sya sa mga babayarin namin pati sa pag ipon ng gamit ni baby kaya parang nahihiya na ako sumandal pa saknya. ππ . Ewan ko gulong gulo na rin ako. Di ko na alam ano ba dapat gagawin ko. As in sobrang stress na ako to the point na kusa na lang ako naiiyak.
Camille Marco