Maiba naman

Any crazy ex-girlfriend experiences with your hubby/partner? ?

25 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Inadd ako and nagsend ng convo nila last Feb. This year na edited na puro deleted messages parang ang lumalabas nilalandi sya ni Hubby. Nabasa ko May na. Then nakikichismis sa buhay namin that time buntis na ko 😂 feeling close sakin nagalit sa kanya Hubby ko kasi feeling daw nya may pinagsamahan kami kung makipag kwentuhan sakin 😂 tapos pinapalabas pa syang malandi eh nagbibiro lang naman si Hubby kasi si Ate girl feeling may gusto pa sa kanya si Hubby kahit 3 years na nakalipas na wala na sila. Wala naman ako pakielam dun kung iwan ako ni Hubby non or maglandi sya di naman sya nawalan. Natakot sya lalo kasi wala ko paki at syempre buntis ako may Baby na kami eh kilala ko din naman sya ayaw nya dun sa ex nya kasi manloloko at ayaw ng buong pamilya nya don kasi panget ugali 😂 pati ex ko epal sa relasyon namin tinigilan lang ako nung nabuntis na ko sa Hubby ko eh 😂 ang eepal ng mga ex 😂

Magbasa pa
5y ago

Hala same sa nagsend ng edited na convo. Hahaha!

Ako naman mga first 2 years namin mag girlfriend-boyfriend, kung sino sino minessage nung ex ng hubby ko saying na inagaw ko daw si hubby, kahit hindi ko kakilala basta naka-tag sa same photos with me. Even my mom, chinat nya kaya that time, hindi approved si hubby sa mom ko. Tas nakuha nya din number ko (stalker alert) at kung ano ano tinext sakin. Like hindi daw kami magtatagumpay, babalik daw sa kanya si ex, short time lang daw ako. To think na she graduated in a prestigious school ha. Sobrang low class, so I ignored her na lang. 😂 Kaloka lang kasi nakablock na sya sa hubby ko before pa kami magkakilala. Nasa dating stage na din talaga hubby ko by the time na nakilala ko sya. Plus hindi ako nang-agaw, si hubby yung naghabol sakin no! Hahaha

Magbasa pa

Wala naman. Ako ung crazy pero in the nicest way you can imagine (nilibre ko si frenny sa jollibee habang kinokompronta ko. Student pa kasi ako nun 😂) kasi ako ung sinaktan nila knowing na kinaibigan ako ni ex nung nagkabalikan kami ni hubby (bf pa lang dati) tas nagharutan sila behind my back habang kinakamusta ni frenny ung relationship status namin. Anyway, sakin pa rin bumalik si hubby kahit nahirapan siyang i-gain ung tiwala ko. Sorry na lang si frenny. Lol 😂😂

Magbasa pa

Tinawagan ako sa office (one year na silang hiwalay, bago pa lang kami ng then boyfriend ko around that time). para lang sabihin na nabuntis daw siya at nanganak. Nagsend pa ng pictures ng bata sa company email ko only to find out na iniscreen grab lang sa facebook. 😂 Hindi lang talaga ako mapagpatol, pero kung nasaktuhan niyang bad mood ako nun dedemanda ko siya ng identity theft. Hahaha.

Magbasa pa
5y ago

Haha grabe ang lala! 😂

masyadong paepal at papansin ung ex ng hubby ko. hahaha Gustong involve pa din sa pamilya ng ex ko. Jusko. e dalawa na nga anak nun. Di na lang magfocus sa sarili nyang pamilya e. Bawat galaw namin nalalaman nya tapos magpopost ng mahabang post na kumento nya. pati sa kasal namin nagkumento pa. Nakakaloka. di na lang manahimik. super tagal naman na nilang wala.

Magbasa pa
VIP Member

Nakikipag balikan nung nalaman may gf na si hubby. Hindi pa kami kasal nun 😂 at eto pa, pinapa sustento yung anak niya sa hubby ko, pero hindi naman anak yun ng hubby ko. Anak nung ex niya sa ibang lalake, nagloko kase dati nung sila pa 😂

Buntis din daw sya nung nalaman na buntis ako. Nakakatawang part? Drinowingan ang pt gamit ang sign pen na red para 2 lines 😂😂😂

4y ago

Natatawa at naaawa ako sa kabaliwan mamsh 🤣🤣 before pa yang incident na yan, nag pt na raw sya 3 times at lahat positive. Nung hinahanap asan pt tinapon na raw. Ayan pinagpt sya sa harap ng guy pero pumasok parin sya sa cr at ang tagal nya dun ayun pala nag dodrawing 🤣🤣🤣 saltik 🤦🏻‍♀️

Biglang ngmessage request ex ni hubby noon gusto daw niya ako makilala kaloka, HAHAH.

5y ago

Hahahaa. Dalhin daw ako sakanila. Jusko 🤣

wala naman, dahil siguro 1 lng naman naging ex niya 😅

So far wala, alam naman kasi nila ugali ko hahahaha

5y ago

Buti wala ka pa naexperience! Hahaha