Mabilis bang uminit ang ulo mo kapag hindi mo nakuha ang cravings mo?

Voice your Opinion
YES
NO
MINSAN lang

1170 responses

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hindi cravings sa food ung nagiging dahilan ng pang aaway ko sa kanya... UNEXPLAINABLE MOODSWINGS,UNREASONABLE SUSPICIONS😔 hindi naman ako dating ganto,pero nung umabot na ko sa 35 weeks of pregnancy,,naging ganun bigla ugali ko...ung feeling ko,may ginagawa syang masama behind my back😔to the point na,ayaw kong mag chat sya sa kahit sinong ibang babae,kahit pa work related un😥alam ko naman mali un,pero di ko talaga mapigilan😥

Magbasa pa

nung mga unang trimester ako 2am ng madaling araw gusto ko kumain ng turon laging ganun madaling araw wala naman bukas na tindahan nun kaya sabi nya sakin "matulog ka muna bukas kita ibibili sarado na tindahan" kaya tinutulog ko nalang pag gusto ko kumain pero di ko sya inaaway 😅

TapFluencer

Mabait daw ako sbe ni husband kasi nagigising ako ng madaling araw may mga cravings ako na gusto kong kainin pero never ko syang ginising para bumili. Tinitiis ko nalang naawa kasi ako na palabasin ng madaling araw baka mapano pa sa daan hehe

I was diagnosed with gestational diabetes so controlled ako sa pagkain. Hanggat maari iniisip ko bawal magcrave. Kapag gustong gusto ko tlga titikim lang ako. Mahirap ng madapa baka mag complication baby ko.

kahit diko sinasadya bigla bigla nalang Ako maiiyak pag di nya nabibigay! kaya ayun effort kahit midnight na nag hahanap at pag wala na mahanapan order sa food panda or grab☺️😅

Yes po. dumating sa puntong ayaw ng asawa ko, so nag away kami 🙈 kasi nag effort akong magluto tapos hindi nya kinain ang ending ,iyak lang ako ng iyak 🥱🤦

sobra, nung 1st trimester ko, feeling ko nawawala yung irita ko sa paglilihi pag inaaway ko sya tapos maglalambing sya ng sorry hehe,

always hanggang ngyong malaki na tiyan ko .. lagi prin akong lion pag kaharap ko sya . kaya gusto ko lgi nsa work sya 😂

Upo,mdalas sumasama ang loob ko kapag hindi agad,binibgay ng aswa ko ang gusto kong pagkaen,kailngn mgalit p aq ng husto.

wala akong cravings kase nawala yung gana ko sa pagkain😔 12weeks na pero di Pa bumabalik yung dati.