cs

cnu po ba dto ung cs?anu po ba pakiramdam ng cs?

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

For me momsh, mejo masakit injection sa likod ko then, nung umeeffect na yung anesthesia feeling ko hilong hilo ako na nasusuka. Tapos gusto ko matulog kaso di ako makatulog, groggy talaga ang feeling. kaloka lng nung mga assistant kinakausap ako tapos kwentuhan sila to the max na akala mo walang inooperahan haha w/music pa. tapos naramdaman ko pagyugyug ng tyan ko then after nadinig ko na iyak ng baby ko.. tska lang nag sink in sakin na nanganak nako😂 So happy. After non wala kpa mararamdaman pag nawala na anesthesia mejo masakit lang yung opera pero my itturok nman sayo pain reliever para mawala then mgbbigay sila ng gamot para inumin mo,1week lang nman pahirap ang Cs for me ha, after non normal kana ulit lumakad yun nga lang ingat ingat sa mga galaw at fresh pa ang sugat..

Magbasa pa

During operation hindi naman po masakit. Gising pako nung inooperehan tas kinakausap pako ng doctor. Pero nung wala na yung effect ng anaesthesia dun na yung suffer ng sobra kase masakit ang tahi nun yung feeling na parang napipigtas yung pagkakatahi sayo pag gagalaw ka. Tas mag aalala baka bumuka tahi tas lumabas bituka ganon. 😅 Hirap na hirap ako nun bumangon at humiga. Kandaiyak ako sa sakit pampakalma lang saken pag ininuman ko na ng pain killer pero pag nawala nanaman yung effect ng gamot iyak nanaman sa sakit. Siguro after one month bago ka talaga totally makarecover pero dat alalay padin sa pag galaw baka bumuka si tahi.

Magbasa pa

Ftm here. Team July dapat naging June 29 c baby via Emergency CS. Lahat ng tinurok sakin n gamot dko naramdaman as in nakatulog lang ako. Narinig ko lang iyak ni baby so half awake ako. Pero the whole procedure wala ako matandaan. Di ko alam mga mommies bat pare parehas tayo cs ung iba tulog ung iba gcng tapos aware pa sa paligid. Nagising nalang po kc ako ung dadalhin nko s room ko. Ngaun 12days nako nagpapain reliever pa din ako though di naman na makirot. Pero madalas nakakaramdam ako na ngcchill ako. Di ko po alam kung dahil ba sa aircon or dahil pa din sa operation ko. Just keep on praying mommy. ❤

Magbasa pa

depende dn po sa pain tolerance nyo sis and kung mag papa'epidural kayo o ndi.. ang masakit is yung recovery kc matagal tlaga at need ng dobleng ingat, madami dn bawal kailangan lagi in moderation lahat esp. sa pagkain mo.. di nman masakit yung pag inject ng anesthesia sa spinal cord eh eeffect dn agad yung gamot after 5mins pero after 2hrs wala na anesthesia ayun grabe lahat masakit na.. tiis ganda ka dn sa pag susuot ng binder sobra kati lalo na pag mainit pero need un atleast 1-2months para di mag sag yung tummy mo at bumalik sa dati..

Magbasa pa
4y ago

pwede po ba hindi magpa epidural? if ever po san po padadaanin anesthesia?

First time CS. Masakit pag inject ng anesthesia. Tas di ako comfortable, di ko nagagalaw yung mga paa ko. Tinanong ko yung dr kung di ba ako papatulugin 😅 Need raw na gising ako kasi mataas BP. Di mo mafefeel yung paghiwa, tas pagtahi. Manginginig ka lang, di mo macontrol yung nginig. Tas lamig. Madaling sumakit likod rin after manganak. Almost 2months na ako since nanganak via cs. Medyo hinay2 pa rin sa kilos. Pero galing ng OB ko po, madaling natapos.

Magbasa pa

Ako po mommy. 2 days labor, pero nacs padin. Masakit sa akin kasi akala ko manormal napagdaanan ko yung sakit na masakit na masakit tapos na cs. During sa operation manhid talaga pero gising ka. After po nung opertion, Yun po naka dextrose ka pa nakacatheter ka pa. Kailangan makautot, makpopo and makaihi after operation bago idischarge kaya kahit masakit kelangan mong igalaw galaw ang katawan mo. Pray mommy na manormal delivery ka.

Magbasa pa
6y ago

Same here mommy. Ang sakit sakit isipin na 2 days ako nag labor tapos cs din pala ako sana hindi nalang ako pinag labor watch ansakit talaga hanggang sa naubusan na ako ng water bag hindi nabantayan kasi yung lumalabas sa akin ay dugo, at 7cm gusto nang lumabas ni baby kaso di pa daw pwede kasi dapat daw ako makaabot ng 10cm ayun rupture wala ng tubig si baby pinaghintay pa ako ng 1 hour para ma cs, tapos another 1 hour pa kasi antagal ng anaesthesiologist hay naku grabe talaga ang experience parang ayoko nang manganak ulit first baby ko pa naman, ngayon im on my healing process (3days) masakit pa rin tahi ko tapos on & off yung lagnat ko masakit pa mga katawan ko hays 🥺☹️☹️☹️ Grabe yung dasal ko pero wala eh may purpose talaga ☹️ para akong na dedepress ngayon kasi si baby nasa antibiotic treatment pa hindi pa nakasuso sa akin kasi daw may infection ☹️ baka naman hindi lang hiyang sa gatas nya hay naku grabe yung experience ko gusto ko na umuwi sa bahay kasama baby ko 😭

Emergency CS kay baby #1 @june2018 Scheduled CS kay baby#2 @aug2019 Natatakot ako, pero wala namang choice haha. Yung una, syempre bago sayo lahat. Pina-ire pa ko and all, kaso CS pala bagsak ko. Mabilis lang, nakatulog din ako sa pagod. Mabilis din ako naka-recover. Ang masakit yung contractions, mahina tolerance ko sa pain kaya nasigaw ako dun haha. Pero nung may anaesthesia na, okay na 👍

Magbasa pa
5y ago

Same tau sis ganyan nangyari skn sa 1st baby😂

na CS ako nov6 ng umaga. after ko maoperahan, manhid ka pa. di mo pa masyado ramdam yung tahi. naramdaman ko n lang yung kirot nung gabi na. due to pain reliever, di talaga ko nag suffer sa pain. kinabukasan ng hapon, pinauwe na ko ng OB ko. nkakatayo na agad ako at nkakakilos. di ako masyado nakaramdam ng extreme pain. I think depende sa pain tolerance din ng tao yun.

Magbasa pa

Sabi nila nakakatakot daw ang maCS but sa case q ok lng nmn...Bikini Cut ginawa sa akin ni OB..sa una hirap bumangon at maglakad...pero dung 2nd day up to 11 days n after giving birth..nakakakilos n aq ng maayos ..nakapagpas p nga aq ng requirements sa school...😊😊tiwala at lakas lang ng loob...🙏🙏

Magbasa pa
2y ago

Private ospital po ba kau or public?

Normal ako sa 3kids ko pero dito sa baby ko 1st time ko maCS for me normal lang after kasi ng 4day nag laba na ako ng damit ng baby ko... yun nga lang may after shock talaga ang turok sa likod pati minsan sumasakit ang tahi ko pero for me talaga same lang ng hirap at sakit kasi after all makakasama mo na anak mo🥰🥰

Magbasa pa