39 weeks and 1 day

Check up ko last monday (38w6d ako that time) akala ko e-ie na ako, di pa pala. So hanggang ngayon wala ako idea kung open cervix na ba ako o hindi pa ?. Ganun ba talaga pag public hospital hindi nag-a-ie kahit malapit na malapit na due date ng buntis? At kailan sila kadalasan nag-a-ie? Lakad, squat everyday na kasi ako wala pa ring sign of labor. Try ko kumain ng maraming pinya mamaya, sana magkaroon ng sign of labor na.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Tsaka nagrereseta po dapat sila ng primrose

4y ago

Actually galing po akong private clinic tsaka po ako nag transfer na magpa check up sa pub.hospital. tas first check up ko palang sa pub.hospital ay niresetahan agad ako ng primrose 36 weeks ko that time. Kaso si mil at sil tinatanung kung bakit heart bpm at size lang daw ginagawang check up sa pub.hospital. so ang ginawa bumalik akong nagpacheck up sa priv.clinic habang tuloy ang check up sa pub.hospital. pagdating naman sa reseta sabi ng mil at sil ko ang sundin kong reseta ay sa priv.clinic kaya tinigilan ko primrose. 😥